finally, happiness.... NOT!

Aug 25, 2008 10:07

I should be inspired, after watching A Very Special Love (finally! after 2 weeks) twice. Yes I watched it twice!



But then, why am I heart-broken? Yes, I know I've been heart-broken ever since... since, since i can't even remember...

And yes, I was sooo wrong about me being "finally happy"--accepting the fact that he cannot and will not love me back.

Bakit nga ba masakit ang puso ko?



Parati na lang ganito. Pinipilit kong maging masaya pero hindi ko parin maloko ang sarili kong kalimutan siya.

"...bakit ka pa nagmahal? Itigil mo na... Mapapagod ka lang. Mapapagod ka lang sa kahihintay at kakaasa sa pagmamahal na hindi darating..." --Miggy Montenegro.

Bakit nga ba?

Aba, ewan. Masakit talaga sa puso eh. Pero alam mo, no regrets.

Kahit masakit. I've been loving him from a distance. Six years and counting...

Gusto ko man siyang kalimutan ng tuluyan, hindi ko magawa, eh. Sadyang nakatatak na yata siya sa puso at isipan ko. Tila isinumpa ko na sa sarili ko na siya at siya lang an mamahalin ko kahit hindi niya ibalik ang pagmamahal na iyon sa akin.

"Kailan? Kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin?... 'di mo pa rin pansin."

Hanggang kailan nga ba? Forever na nga ba kung ito'y maituturing?

Ewan. Siguro. Hindi ko alam.

Ang totoo, hindi ko sinasarado ang pintuan ng puso ko sa ibang tao. Nagbabaka-sakaling dumating ang isang taong tuluyang makakapagkalimot sa kanya. Nagawa 'ko na 'yan. Eh, ano nga 'bang nangyari? Wala rin. Wala ring nangyari. Instead of me--moving on, that one person I expected to lift me from such burden, caused me a great deal of pain, as well. Siguro isa na rin 'yan kung bakit takot akong magtiwala. Takot akong ipagkatiwala ang puso ko dahil ito na ay nasa 'fragile' na state.

Isa pa sa ikinababahala ko ay baka hindi ko rin maibalik ang pagmamahal na ibibigay sa'kin ng taong bibigyan ko ng pagkakataon, kung kaya't minsan... unintentionally natutulak ko siya palayo. Ayokong nakakasakit ng ibang tao. Masakit sa'kin para makasakit ng ibang tao, eh.

Sa lagay kong ito... Oo, masakit na masakit sa puso ko. Hirap na hirap na itong damdamin kong naisasantabi lamang... Tahimik na umaasa, nandito't patuloy na umaasang balang araw ay mamahalin niya rin ako--kahit alam kong napaka-imposible ng bagay na ito.

Ganon ako magmahal, eh. Sobra-sobra. Kaya eto't sobra-sobra rin kung masaktan.
Martir na kung tatawagin, pero para sa aking minamahal, bakit hindi? 'Dun ako sumasaya... Sa tuwing napapangiti at napapatawa ko siya. Siyempre, kapag nasaktan naman siya... doble-doble ang sakit no'n saki'n. For one, nasaktan ang mahal ko. Second, hindi ako ang makakapagpawala ng problema niya dahil hindi ako ang mahal niya.

O 'di ba? Emo.

harhar. Masyado akong emosyonal ngayon. Palibhasa, nakita ko 'yung larawan niya kasama ang iba. Tapos malapit pa 'yung birthday niya...

"happy birthday nga pala, jes"

Hindi ko alam kung iimbitahin ba ako o hindi. Nung nakaraang taon, inimbita niya ko, eh. Hinanap din nung hindi ako dumating. Sa palagay ko, hindi na ko pupunta. Most likely naman talagang hindi, eh. Invited or not, I will not go. But I still have the best intentions for him.

I'll just send my regards and best wishes to him.

whew! masakit sa puso, pero medyo humahapyaw-hapyaw na rin ang kasiyahan, kahit papano. I just found new friends who are there to cheer me up, when I'm down. I haven't known them long enough to say that I trust them but so far, so good. With them, somehow problems are just some little tests from God.

But this is one heart problem that's bound for eternity...
harhar.

I don't know. I asked for a sign. God gave me yet another sign.

"Nice, simba tayo."

It felt awkward as this person for me, is just a friend. I don't know... maybe in time. I don't wanna think of the future... it stresses me out!



~stress.

Let's just wait and see, if there's hope for this sad-sick love life of mine. =)

harhar. =D



~not closing my doors, but still lovestrucked-blind.

friends, love, heartbreaks, family, life, heartaches, god, boys

Previous post Next post
Up