short lang ang buhay...justice for erwin

Nov 21, 2006 13:34

nung first year college ako, mga 3 times ata akong nahold up sa iba ibang setting...meron sa fx na sinalvage level, meron din sa kalsada habang naglalakad (inagawan ng bag)...tapos sa dapitan jeep papuntang ust may mama na tumabi sakin tapos pagkuha ko ng pambayad sa bulsa ko, may kamay! kamay ng mandurukot! effort... after nung tatlong incidents na yun, hindi na ako nagcommute. mukha akong tanga, hindi ako umaalis sa dorm... tapos taxi lang ang alam kong sakyan...pero ngayon, magaling na ko...kahit papano, nabawasan pagtataxi ko...wahahah!

pero hindi yun eh, may officemate akong walang awang pinaslang kagabi sa novaliches...si erwin robledo, storyboard writer namin (rest in peace pare...) grabe ang shocking talaga, binaril daw siya, posibleng holdup...nakiinternet lang daw siya sa friend niya tapos paguwi ng hatinggabi, ayun na...

short lang ang buhay...haay...mejo guilty pa nga ako kasi thrice lang kami nagkita nun tapos pinaandar ko pa yung bitchmode ko sa kanya...hindi manlang ako nagpaka-nice...wala namang mawawala...

pero iba ang impression sa akin ng incident na to...hindi yung magingat sa pagbabiyahe o wag na umuwi ng gabi...dapat maging mabuti na ko sa kapwa kasi hindi natin alam kung kelan matatapos ang life...

erwin, sorry kung pinagtripan man kita dati... :c Godbless...Sana masaya ka na , nasaan ka man...

naglipana na naman ang mga halang na kaluluwa kasabay ng unti unting paglamig ng simoy ng hangin...pasko na, kaya maraming holdaper. Lord bantayan niyo po kami...
Previous post Next post
Up