pressure sheets at pakikipaggaguhan sa computer...

Nov 20, 2006 19:53

im not sure kung masochist nga ako pero wow, ibang level talaga pag kalahating araw straight ka na sa harap ng monitor...feeling ko close na kami at kung lalake lang to, kanina pa ko nagpropose sa kanya... nakakaddict magtrabaho.

busy is good, sabi ni master officemate.

sarap ng pakiramdam na magisa ka nalang sa office tapos tumatakas ka ng kinig sa limewire sa mga niresearch mong jazz songs na hindi sumikat pero ang hot. wow, isa na ata ito sa mga fixations ko.

hinanap ko sa friendly m-w website ang ibig sabihin ng word na fixation kasi naalala ko before na kinorek ako sa misuse ng word na ito...pero feeling ko naman tama ako e.

fixation

Pronunciation: fik-'sA-sh&n
Function: noun
: the act, process, or result of fixing, fixating , or becoming fixated
*badtrip talaga ko sa mga ganitong definitions...parang hindi ka naman natulungan kasi yung word na fix parin ang ginamit?! lech.

: a persistent concentration of libidinal energies upon objects characteristic of psychosexual stages of development preceding the genital stage
*grabe naman about sex na naman...hmmm....very psychoanalytic ang definition

: stereotyped behavior (as in response to frustration); an obsessive or unhealthy preoccupation or attachment
*parang ito na ata ang closest...alam ko naman na unhealthy na ang pagkakahibang ko sa kape...at tragic na ang lagay ng eardrums ko sa malakas na earphone...pero go lang...

Source: http://www.m-w.com/dictionary (o hindi to plagiarized)

kailangan maging fixated sa isang bagay para mabuhay...kasi parang feeling ko hindi ka tao pag wala kang kinahihibangan...

pero fixated nga lang ba ako sa chorale? feeling ko unhealthy na...wahaha! kwento nga ni ate lora taboo daw sa states ang bumabalik balik ka pa sa pinanggalingan mong school...pero kahapon siguro parang nadagdag narin sa level of fulfillment ko yung alam kong quality yung performance namin...is it high time to retire?

ang senior citizens nagreretire lang pa alam nilang maayos nilang maaiiwan ang binuhusan nila ng dugo't pawis for 40-50 years...pero i cant just leave singing na parang ganun ganun nalang...pero gusto ko magtry ng bago...definitely siguro magtatry ako ng bago...mga sampagita aegis level...wahaha... san miguel? far fetched... ust singers? hindi qualified... four-year course sa music? pera ate....

merong twentry four hours sa isang araw at mahaba iyun...maraming pwedeng gawin...kelan ko kaya madidisiplina ang sarili ko na 4 hours lang matulog??? 6 hours na ko ngayon... 2 hours nalang... pero bakit nung college ang dali dali magpuyat?

at dahil nga 24 hours meron sa isang araw...sana mabigyan ko na ulit ng oras ang blog ko. chill
Previous post Next post
Up