Aug 09, 2006 23:29
Hmmm, tinapos ko na yung chapter 3 ng thesis na pinapagawa sa akin pero medyo minadali kaya hindi na masyadong mahaba....grabe ginanahan talaga kong gawin to nung nabayaran ako...pero nung narealize ko na lugi ako, (hello, computer rentals palang magkano na!) prang feeling ko, overworked nga ako yet underpaid.
sabi nga ng taxi driver na nasakyan ko kanina, as usual pinalipad ko na naman ang taxi dahil buzzer beater na naman ako sa pagiging late, ang dami ko daw raket. hindi pa daw ba ako nakuntento sa pera sa call center...
ang sagut ko, "iba po yung fulfillment sa pagsusulat."
wow may mga ganung drama na pala ko ngayon. pero sana prophetic si manong kasi sabi niya, malapit narin daw akong maging bigtime kung itutuloy tuloy ko na ang pagiging workaholic at anti-social...wahahah!
ang pagiging bente uno ay hindi kasing saya ng pagiging disi otso... bagamat ganun, hindi parin maiiwasan ang magdagdag ng edad... im still subject to some high-school-vintage-infatuation pero basura parin ang love. opposite sex love.