Aug 03, 2006 13:19
mukha lang akong friendly pero konti lang ang friends ko. isa si tin dun.
ang daming nagtribute kay tin dahil sa kanyang pag-alis...well, may something ako about parting ways.
dumarating talaga yung time na kailangan mong iwan ang kinaugalian, gumawa ng bagong bagay at bumaligtad sa sistema. pero kaakibat noon ay ang paglayo mo sa mga kaibigan. wala kong concept ng friends noon pa man. loner ako, sabi ng marami. ok sige may kinabibilangan ako pero hindi lahat ng tao dun close ko. maraming kabatian pero may certain degree lang kayo ng pagkakakilanlan. tapos lahat ng super friends ko super close talaga. ang catch, konti lang sila. at kabilang si tin dun.
its not like im anti-social or i-choose-my-friends-too-well-that-im-left-with-no-one of some sorts pero i have this thing about reservations and "jiving with other people's personalities." siguro lang masyado akong apektado sa aura ng bawat tao na ako mismo ang umiiwas even though they try sooo hard to reach out. kaya naman hindi ako magkaboypren eh.
you'll find a lot of commonalities sa set of friends ko. siguro eto ang stereotypes:
1. artists/weirdos - may sariling mundo lahat ng friends ko...wahahah sori.
2. non-sense brainy type - i can talk about anything kabilang na ang stock market at opinion about israeli-lebanese war
3. gay/gay-acting-female - no need to elaborate.
sabi sakin ng high school barkada ko lagi daw akong tulog. kasi hindi ako nagsasalita pag group kwentuhan. haha true... pero may times naman na parang ako lang ang taya at kwento ng kwento.
si tin ay kabilang sa mga piling taong komportable akong ka one-on-one...kasi magaling siyang makinig. hindi lahat ng tao may ganung skill. or talent. kasi lahat ng tao, gusto sila ang pakinggan mo. not realizing ung need din ng other party na pakinggan.
nakakalungkot isipin na unti-unti nang naghihiwalay ng direksyon ang bawat isa. may kanya-kanyang buhay na. parang yung dating barkadahan ng hindi mahilig umuwi ng maaga ay tuluyan nang nabubuwag. si dan pa may breaking news. tsk tsk tsk...
ganun ata talaga eh, si tin nangibang bansa na. ako nagtrabaho. si mikey naggelpren. si dan aalis.
pero kahit ganun alam niyong tinetreasure ko kayo kahit medyo nakakalungkot isipin yung mga nangyayari. tulad nga ng sinabi ko kanina, bilang na bilang lang kayong malapit sa puso ko.
although marami pa namang naiiwan (hello, ab chorale, isang barangay!) hindi parin mapapalitan yung mga umaalis. may bago, oo, pero hindi naman na siya katulad nung mga nauna.
tigil na, pinapalungkot mo lang sarili mo. ang dami mong trabaho o!