Basically, Blaire is one of the character's in the story that I, together with my friends started writing during our high school days. It's about five high school students who became spies/detectives under a secret agency. Right now, we started writing once again to continue the story, I wanted to write Blaire's story here. Hindi naman siya nalalayo sa original na kwento, pero since ang original ay more on sa mga missions and actions, I decided to focus more on Blaire's private/love life. So here it goes~
Note: There are names that may seem familiar to you----or not. Remember, kung pamilyar man sa inyo ang mga neymsung nila, bear in mind na sila nga ang nasa isip ko ng nilagay ko sila diyan.
********
Sigh.
“Kumusta na kaya sila?” tanong ni Blaire sa kawalan. Mukhang napapadalas na ang pagka-usap ko sa sarili ko.
Another sigh.
Sa mga hindi nakakakilala sa akin, ako nga pala si Blaire Faith Adam viuda de Fehr. Na-biyuda na agad di pa man ako naikakasal. Na-dead on arrival ang lolo nyo. Well, not literally but hopefully? Nyahahaha! Oha! Naloloka na ang lola nyo. Ganito ba ang nagagawa ng sawi?
Twenty six years old na ako. Oh my G! I’m so old na!
Sa kasalukuyan, ako ay nagko-concentrate-----sa pagma-mop ng sahig. Ng sahig ng isang maliit na diner. Oy, impernes sosyalin ang diner na ito, payn dayning itey.
EHHHHHH?!? Nande?!? Bakeeet?!? From a very skilled agent to a very skilled janitress? What’s happening in this world? It’s a small world after all. Ang galing ko mag-english noh?
HOY! Di ako janitress lang ah, waitress din ako, all around yata ako dito. Pero bakit nga ba ganito ako ngayon? Siguro akala nyo namatay ang mga magulang ko at kinamkam ng mga kamag-anak ko yung kayamanan namin at ako’y naghirap at naging isang hampaslupa. Anong tingin nyo sa life ko? Teleserye? Di naman ganon kadrama ang buhay ko.
I chose this life, okay? Kontento naman ako sa ngayon. Happy life, happy wife. Erase the wife, life lang pala. Dalaga pa’ko.
Actually, ganito kasi yon.
********
So, yun na nga ang nangyari.
ANO?!? Di nyo na-gets? Uulitin ko na naman? Sige na nga.
Ten years ago, nagkaroon ng kaguluhan ang pamunuan ng agency na kinabibilangan ko. Bukod dito, nalaman ko na ang lalaking nakatakda kong pakasalan, in English fiancé----na si Brendan Fehr ay si Brent na manloloko pala. OO, isa siyang manloloko, talipandas, kiri, haliparot, makating higad at nakahahatsing na paminta. Okay lang naman sakin na nagsinungaling siya sa pagkatao niya. Ang di ko lang matanggap, isa pala siyang paminta. Mas malandi pa siya sa akin. Tsk. Type ko pa naman siya. Pero bakeeeet? Bakit lahat ng mga natitipuhan ko juding pala in the end. Saka bakeet si Kuya Steven ang type niya at hindi ako? What’s wrong with me?!? What’s happening in the world? It’s a small world after all. Hehehe!
Sa ngayon, ako ay isa ng ampalaya. Bitter ng bahagya ang lola nyo. Pero wag kayo mag-alala, di naman ako suicidal.
Lumayas ako sa amin, minamadali na kasi ang kasal ng time na yun, eh ang bata ko pa kaya! Nabunyag nga kasi ang pagiging makating higad niya, at para mapagtakpan ang kahihiyan daw ng pamilya nila, gusto nilang gamitin ang kasal namin. At ito namang sina mother, father, grandfather, grandmother, how do you brush your teeth, may I agree sa lahat ng gusto nila. Iyon pala medyo naba-bankrupt na ang kompanya namin and the only way to save our company is my marriage to Brent. Ayoko nga noh?!? I refuse to marry for such reasons! Aside from that, isa nga siyang paminta, sino namang gustong magpakasal sa paminta noh? Haller?!?
Kaya eto, nandito ako ngayon sa Japan napadpad. Nagtatago. At isa ng janitress, waitress at all around. Nyahahaha. Ang galing ko noh?
Ayyy, ala una na pala ng hapon! Out na ako!
“Ja! Minna-san!” pagpapaalam ko sa mga kasamahan ko sa diner.
Paglabas ko sa establishment, nagulat ako nang harangin ako ng mga lalaking naka-itim na amerikana. Kinabahan ako ng bahagya. Mukha silang mga goons. Anong gagawin ko?
********
May dalawang ikemen*. Magkayakap sa sofa. Gusot ang mga kasuotan. At mapusok at maalab na naghahalikan.
HUH?!?
Ganitong eksena ang aking naaubatan pagbukas ko sa pintuan ng aking flat. Kung kayo siguro ang makakakita sa tagpong ito, manlalaki ang mga mata ninyo sa gulat. Ngunit hindi na bago sa akin ang eksenang ito. Parang normal na pangyayari lamang ito sa aking simpleng buhay.
“Tadaima~” bati ko sa kanila.
Napatigil sila sa ginagawa. Agad na naghiwalay at umayos ng pagkakaupo.
“Okaeri, Blaire~” namumulang bati ng isang lalaking may kulay itim na buhok. Ito ang flatmate ko na si Hayama Takumi. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Kung ako ang tatanungin, ang cute-cute niyang tingnan.
Nag-hugis bituin ang mga mata ko nang matitigan siya. Parang ang sarap i-hug at i-kiss! KYAAAAAAAAA!!!!!!!! Gagawin ko na sana ang masamang balak ko nang…
“Ahem… Okaeri~” ganting bati naman ng lalaking blondie na katabi nito at biglang yumakap kay Takumi. Ito si Saki Giichi o mas kilala sa tawag na Gii, ang boyfriend ni Takumi.
Tsk.
“Killjoy…” nakanguso at bubulong-bulong ako habang patungo sa kwarto ko. “Parang kiss at hug lang eh. Wala namang malisya.”
I just came home from a dreadful reunion. Yes. A very dreadful reunion indeed. After ten years, nakita ko ulit ang mga taong naging bahagi ng aking teenage years. Ang mga taong nakasama ko sa mga sikreto at delikado ngunit exciting na misyon. Ang mga kapwa detectives ko sa Hexagon, ang ibang miyembro ng DA.
Ang laki ng pinagbago nila ha. Nag-mature na rin sila. Akalain mo yun, si Terry, cheater na-------I mean TEACHER!!! Si Jaccel naman, married na! Oh my G! Si JC hotelier, ang taray ng lola mo! At si Frances-----jowa na pala ni Kuya Steven! Nyahahaha!
Shit!
Jowa niya si Kuya! Baka malaman ni kuya na nagkita kami ni Frances! At kapag nalaman ni kuya na nagkita kami, sasabihin niya kina mommy! Tapos sasabihin ni mommy kina lolo! Tapos itutuloy na ang kasal! Then magiging asawa ko si Brent! Magiging My Husband’s Lover ang drama namin! Oh my G! Otteokke? Anong gagawin ko?!
Dali-dali kong in-email si Frances. Nagpalitan kami ng contact info bago kami maghiwa-hiwalay kanina.
To: Frances
From: Blaire
Message: Frances, wag mo na lang sanang ipaalam kay kuya na nakita mo ako at may contact ka sa akin. Salamat.
Sent.
Pagsayad ng likod ko sa kutson ay agad akong nakatulog.
********
BEEP. BEEP. BEEP. BEEP.
Alarm ng cellphone ang gumising sa akin. Alas nuwebe na ng gabi. Two hours din ang tulog ko.
Mabilis akong naghanda para sa pagpasok ko sa isa ko pang trabaho. Empleyado ako sa isang convenience store. Ten to four ng umaga ang duty ko.
I’m shuffling between two jobs while still finishing my college degree. Di naman ako kayamanan. Mula ng naglayas ako sa amin at napadpad sa Japan when I was 16 years old, naranasan ko ang maghirap ng bahagya sa buhay. Wala akong ibang aasahan kundi sarili ko since lumayas nga ako. Wala akong kakilala sa lugar na ito at napakabata ko pa noon.
May naipon ako sa bangko at iyon ang ginamit ko sa pagsisimula ng bagong buhay dito. Mahal ang cost of living dito sa Tokyo kaya alam kong hindi sapat ang mga naipon ko. Habang nag-aaral ako ay kung anu-anong part-time jobs ang pinasukan ko hanggang sa maka-graduate ako ng Senior High School. For two years, nagtrabaho muna ako ng full-time para makapag-ipon ng pang-enroll sa college. After non, nag-enroll ako sa Teito University ng Computer Engineering, pero until now ay hindi pa rin ako nakaka-graduate. Dahil nga sa trabaho kung kaya’t naging irregular student ako at medyo matatagalan pa ang pag-graduate ko. May mga ilang units pa akong kailangang kunin at may thesis pa akong ginagawa. This year, for sure, ga-graduate na ako! Yan ang pangako ko sa sarili ko.
Napatigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng pagkatok sa pinto ng kwarto ko.
“Blaire, ready ka na ba? Tayo na at baka ma-late tayo.” Tawag ni Takumi.
Bukod sa pagiging flatmate, co-worker ko din sa konbini** si Takumi. Nagkakilala kami sa isa sa mga subjects ko sa university. First day of class non. First year lang siya non at bagong salta sa Tokyo. Nanggaling siya sa bulubunduking probinsya. Na-cute-an ako sa kanya kaya kinausap ko. Napaka-mahiyain niya. Nyahahaha! Ayun, hinalikan ko sa pisngi! Natulala siya eh!
Then, nabalitaan ko na naghahanap siya ng lugar na titirahan, in-offer ko yung flat ko. Since naghahanap rin naman ako ng makaka-share sa flat, nagtaas kasi ng renta yung landlady ko, kaya para makatipid sa babayaran, naghanap na lang ako ng kahati. It doesn’t matter kung guy or girl ang kasama ko basta makatipid ako sa babayaran. Kuripot much?!
Aside from that, type na type ko si Takumi. Hehe! May hidden agenda din ako kaya ko siya inalok. Bwaharharhar~ Kaya lang----may kontrabida sa pag-iibigan naming----err----well---sa pag-ibig ko pala. Ang intrimitidong si Gii!! Ampness!!! Nang araw na makilala at nakawan ko ng halik si Takumi ay ang araw din na nakilala ko ang presko niyang jowa na kaklase rin pala namin sa subject na yun. Well, that was four years ago!
Kaya, ang malinis, busilak at walang bahid dungis kong pagnanasa kay Takumi ay naging isang matibay na friendship sa pagitan naming tatlo nina Gii. I can say na sila ang BFFs ko! Pwedeng boyfriends at pwede ring bestfriends forever!
“Bakit nga pala di ka pumasok sa klase mo kanina?” tanong ni Takumi sa akin habang naglalakad patungo sa trabaho namin.
“Ha?!? Ah eh anou~ ganito kasi yun, nag-OT ako dun sa diner, may sakit kasi yung karelyebo ko, kaya di ako nakaalis.” Tanging nasagot ko sa kanya. Hindi ko pwedeng sabihin na may mga naka-itim at naka-amerikanang mga lalaki ang sumundo sa akin sa diner at dinala ako sa kung saang lupalop kung saan naroon din ang mga dating DA. No way! “Siya nga pala, tuloy na tuloy na ba talaga?” pag-iiba ko sa usapan.
“Yes. Tuloy na tuloy na. Wala ng atrasan. Malapit na ngang makumpleto ang mga gamit.” Nagniningning ang mga matang sagot ni Takumi. In two months time ay aalis na siya sa flat namin at magmu-move in na sa bagong bahay nila ni Gii.
It’s about time na magsama na ang dalawa. Malapit na rin naman kaming gumraduate na tatlo. Three months na nga lang. Saka, Gii’s practically living with us na rin kasi lagi rin naman siyang sa flat nakatambay. Parang kulang na lang ako ang umalis sa flat para magsama na sila. Tsk.
“Mami-miss kita.” Nalungkot naman ako.
“Para namang di na tayo magkikita.” Natatawang wika ni Takumi. May nahanap ka na bang bagong flatmate?”
“Wala pa nga eh. Pero nag-post na ako ng ad online at sa bulletin board sa uni.”
“Wag kang mag-alala, nagtanung-tanong na din ako sa mga iba kong kakilala at baka may naghahanap din ng matitirahan. I’m sure may mahahanap ka din.” Pagbibigay niya ng assurance sa akin.
********
Nahahapong nahiga ako sa kama. Kagagaling ko lang sa uni. Another loooooong and tiring day.
It’s been a month since I’ve started receiving missions again together with the other DA. Kung noon ay hindi na sapat ang pahinga ko dahil sa part-time jobs at uni. Ngayon naman ay halos hindi na ako natutulog tuwing may misyon ako.
May two hours pa akong pwedeng matulog. Mamayang ten ay shift ko na naman sa konbini. As much as possible, kahit ilang oras o minuto ay sinasamantala ko para makapagpahinga.
Naiidlip na ako nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko.
“Istorbo!” Naiinis na sinagot ko ang tawag. Matapos ang tawag ay nagmamadaling bumangon ako at tinungo ang pintuan. “Takumi, please tell boss may importante akong study group na pupuntahan. Di ako makakapasok sa shift ko mamaya.” Mabilis na bilin ko kay Takumi na nasa sofa at katabi si Gii na nanonood ng TV.
Ilang sandali lang ay nasa tren na ako at bumibiyahe na patungo sa bagong hideout ng DA.
“Here I go~” at tuluyan nang pumasok sa silid kung saan naroon ang apat na miyembro ng DA at ang bagong master.
********
*ikemen = good-looking/handsome young men**konbini = convenient store