Oct 16, 2008 05:13
Ang lakas. Parang bagyong nagdaang bumubulusok ang hangin at ulan sa lakas. Dumadagundong. Kumakabog. Lumiliwanag na naman ang mundong parang kakatapos lang ng unos. Haha. Heto na naman ang pakiramdam. Tanong ng kasama: "Seryoso ka ba d'yan?" Ang tanong ko pabalik: "Kung seryoso ba ako, magagawan ba ng paraan?" Sabi ng kasama, gagawan daw ng paraan. Haha.
Parang isang laro lang. Unahan lang 'yan. Palakasan? Sino ang mas matimbang? O may titimbangin ba talaga? Tunggalian. Kontradiksyon. Ewan ko. Basta ang alam ko, nailabas ko na. Wala na akong tinatago. Alam na ng ilang mga dapat makaalam. Minsan lang ako ulit makaramdam nito. Mapagbigyan kaya ngayon? Sabagay, kailan ko ba sinubukan? Wala. Hindi pa. Ngayon pa lang sa ganitong setup.
Naalala ko na naman ang text ng isang kasama nung minsang tinanong ako kung masaya ba ako. Ang sagot ko: "Para lang namang 'what is lab?' Maraming batayan."
Masaya ako na nakita ko s'ya. Na lagi ko s'yang nakikita. Dun sa piketlayn. Kasabay na kumikilos. Ayun. 'Yun na. Tinamaan na ng lintik. Ahahaha.
Magbunga naman kaya? Hay. Gudlak.
---------------------------
"There are three things that a person can't hide: coughing, poverty, and love. The harder one tries to hide them, the more they rise to the surface." - il Mare (Text message ng isang kasama matapos akong magsiwalat, na may gusto ako at kung sino. Moral lesson: Hindi na kailangan itago dahil halata naman. Parang ganun lang naman ang ibig sabihin. Hehe. Ayun naman.)
---------------------------
Ok. Back to work! Pa-blog-blog pa eh may kailangan pang tapusin! Tsk...