Dec 07, 2004 01:37
paalam winnie at yoyong.
huwag na kayo ulit babalik dahil hindi ko nagustuhan ang mga ginawa niyo.
nanira kayo ng mga bahay at tahanan, pati na rin ang mga eskuwelahan.
pinuno niyo ito ng putik. ngayon, matigas na ito at nananatiling parang mga bisitang ayaw umalis.
pinaiyak niyo sila, kami.
pinalakad niyo ang aking mga kaibigan ng labing-apat na oras upang matunton nila ang kanilang bayan.
pinatay niyo ang aking mga kaibigan at estudyante, pati ang kanilang mga ka-pamilya.
huwag na kayong babalik.
mahirap na ang aming bayan para lalo niyo pang pahirapan.
"sa iyong pagbalik, maiiyak ka hindi nga marahil sa may namatay kang ka-pamilya. maiiyak ka dahil hindi mo aakalaing nagkaganon ang infanta. hindi mo aakalaing ganon na ang itsura ng iyong nilalakaran."
- marlene
[ang pamilya niya ang aking naging host family noong aking pinakaunang pagtuturo ng theater workshop bilang isang cultural worker sa infanta]