Nandito kami sa Dagupan. Wala akong magawa kaya kinalikot ko muna ang PC ng pinsan ko.
Gusto ko nang bumalik ng Maynila pero kinakabahan ako na baka makipagkita yung tatay ko.
PRIVATE
Sa totoo lang di ko na alam ang gagawin ko. Pagbalik ko ng Maynila, siguradong hihingin na ng tatay ko ang sagot ko: kung papayag akong pag-aralin nya ako o hindi. Sa totoo lang gustong-gusto kong mag-aral, gusto ko talaga. Pero ayokong isipin ng tatay ko at ng mga ibang anak nya na pera lang ang habol ko kaya ako nagpakilala. dsadjsjdsakdj ayoko naman talaga, kuntento na ako sa pamilya ko, masaya kami kahit walang pera, pero gusto ni papa na malaman ng tatay ko ang totoo.
At sa totoo lang din, ayoko pang umuwi ng Maynila (kahit gusto ko rin) kasi alam kong isang araw malalaman ni Kulas at nung kuya nya na kapatid pala nila ako. Di ko alam kung bakit pero hiyang-hiya talaga ako e. dshkjsahdkjsdh