8. Home is where the heart is

Jan 23, 2009 16:57

Sasama akong umuwi sa Pangasinan sa Martes. Magta-Tagaytay muna ako bago ako maburyong sa Pangasinan, haha. Hindi ko alam kung kelan ako babalik. Kawawa naman si Uncle Rod, wala nang magbubukas ng talyer ng maaga LOL.

PRIVATE

Langya naman si papa, dinala at ipinakilala ako dun sa totoong tatay ko. Wala naman akong planong magpakilala sa tatay ko, amp. Lalo na't baka kalabisan lang ako sa buhay nya. Marami naman na syang ibang anak, kaya kahit wag na nya akong problemahin, ayos lang.

Kaya rin ako uuwing Pangasinan eh. Para di ako makita nung tatay ko. Wala naman akong mukhang ihaharap sa kanya. Lalo na dun sa mga anak nya. Sayang, kasundo ko pa naman yung isa.
Previous post Next post
Up