Sa Gitna ng Haraya't Realidad

Jul 09, 2008 19:56

Isang taon na ang nakalilipas nang lumipat ako ng eskwelahan. Dalawampung hakbang lang ang layo nito sa unibersidad na aking pinanggalingan kaya't kung tutuusin, parang lumipat lang din ako ng building.

Hindi pa natatapos ang unang linggo ng klase nang biglang naaburido ang mundo ko. Napag-alaman kong iisa lang pala ang pinapasukan namin ng isa sa mga lalaking halos buong buhay ko nang pinapantasya: si Luke Jickain. Ngunit napag-alaman ko ding hindi pala ~cool~ para sa mga Bedista ang magkagusto sa kanya. At dahil ~cool~ ako, pinilit kong itago na lang sa sarili ang mga pantasyang maraming beses kong pinapaulit-ulit na tila isang pelikula sa aking utak sa tuwing nasisilayan ko ang for layp nyang wankata.

Nais ko munang ibahagi sa inyo ang pantasyang ito na pinamagatang L_KE: All I Need Is U. Pero baka burahin ko din sya dahil nakakasira ng reputasyon.

xoxo
L_KE: All I Need Is U

Matagal na panahon rin ang hinintay ko na magkasama tayo sa iisang klase. Magmula nang una kitang makita interesado na kong malaman kung anong ugali mo, kung gaano kasarap pakinggan ang boses mo sa tuwing magre-recite ka, kung interesado ka bang makakuha ng matataas na marka. Ngunit higit sa lahat gusto kong patunayan ang naririnig-rinig kong tsismis tungkol sa iyong mga sexcapades kaugnay ang iba't-ibang mga lalaki. Dahil hindi ko pa rin binibitawan ang lakas ng loob ko na umasa na maaari rin naman kitang matikman.

Mapaglaro talaga ang tadhana. Dahil sa dinami-dami natin sa klase, walang sinuman ang may apelyidong pumagitna sa atin (Jickain-Salut) nang ayusin tayo alphabetically. Itinuro ng propesor ang dapat nating kaupuan sa pinakalikod ng silid. Wala tayong ibang katabi. Aangkinin natin ang puwestong iyon na tila atin. Walang sinuman ang may karapatang makihati. Isang buong semestre tayong magkikiskisan ng siko. Dalawang araw sa isang linggo at isa't kalahating oras bawat araw.

Hindi mo agad tinanong ang pangalan ko. Inisip kong nahihiya ka lang dahil gayun din naman ang nararamdaman ko sayo. Matapos ang klaseng iyon agad akong tumungo sa ating simbahan. Ipinagpasalamat sa Diyos ang ginawa nyang pagsagot sa aking mga dasal.

Ginawa kong panibagong purpose ng buhay ko ang paghihintay sa muli nating pagdadaupang-palad kaya't lagi akong nauuna sa klase. Sinisigurado kong naintindihan ko nang mabuti ang bawat leksyon bago pa man ito ituro dahil baka maisipan mong magtanong at hindi naman kita ibig biguin. Lagi akong maraming dalang extrang papel, bolpen, at iba pang maaaring nakalimutan mong dalhin. Pero hindi mo ako napagbigyan sa bagay na yan. Napakaresponsable mong mag-aaral. Wala akong maisip na paraan para magkaron ka ng utang na loob sakin. Dagdag pa rito, hindi ka nahirapan sa kahit anong ituro ng ating guro at kailanma'y hindi ka nahuli sa pagpasok. Pinatunayan mo sa akin na hindi lahat ng mga modelo ay puro pagpapasarap lang ang gusto.

Magtatapos na ang semestre ngunit bilang pa rin sa daliri ang mga pagkakataong kinausap mo ko. Pero ayos lang sakin ang lahat. Masaya na ko sa kung anong meron tayo ngayon.

Isang lunes ng umaga dumating ang ating guro at nagsimula ang klase sa parehong paraan magmula pa nung umpisa. Ngunit ang inaasahan nating pagsusulit ay hindi dumating. Bagkus ay ipinaliwanag nya sa lahat ang proyektong dapat nating pagtuunan ng pansin sa mga susunod na araw. "Dahil magtatapos na ang semestre, gusto kong malaman kung gaano karami ang natutunan nyo sa klase ko. Bebentahan ko kayo ngayon ng Practice Set para sa Partnership and Corporation Accounting. Meron kayong dalawang araw para tapusin 'to."

Umangal ang lahat dahil imposible natin itong matapos sa loob ng dalawang araw. "E sir, imposible naman yatang matapos yan sa loob ng dalawang araw!" sigaw ng pinakatamad sa klase. "Mmm hmmm.. Oo nga ano," sang-ayon ng propesor. "O sige, humanap kayo ng kapareha at pagtulungan nyo na lang gawin."

By partners? Dahan-dahan akong sumulyap sayo habang tinitimbang sa aking utak ang mga paraan kung paano kita kukumbinsihing makipagpareha sakin bago pa man ako maunahan ng kung sino. Ngunit sa kabila ng kasunduang ito hindi pa rin napigilan ang mga estudyante sa paglalabas ng kanilang mga hinaing. "E sir, hindi pa rin kaya!"

Naburat ang propesor sa dami ng reklamo kaya't nag-init ang ulo nito sa taas. "Haynako wala akong pakialam! KUNG KINAKAILANGANG MAG-OVERNIGHT KAYO PARA MATAPOS YAN, GAWIN NYO!"

Matagal na sandaling umecho-echo sa utak ko ang salitang overnight, bumalik na lang ako sa tamang huwisyo nang marinig ko ang pa-charming na boses ng pinakamagandang babae sa klaseng iyon. "Hey Luke, I'm like so sad kasi I still don't have a partner e. Umm.. Pwede bang us na lang, plsss?"

Kasabay ng pagsambit sa mga salitang yon ang unti-unting pagkayurak ng mga pangarap ko. Nag-umpisa na kong tumayo upang maghanap ng magiging kapareha nang ika'y nagsalita, "Ahh may partner na kasi ako e," sabay-turo mo sa akin. "I can't," dagdag mo pa.

(Masyado nang mahaba ang pantasyang ito, tutal alam nyo na naman kung paano ako magre-react, tumambling na tayo sa pinaka-juicy na part)

Habang nakaupo tayo sa malambot mong sofa at nakatitig sa iyong puting laptop, napansin mong pinagpapawisan ka. "Bro, maghuhubad lang ako ng polo a. Okey lang ba?" tanong mo. "Ang init kasi e, maghubad ka na rin. Di ka ba naiinitan?"

Hindi ako sumagot. Nagpapanggap na absorbed sa sinasagutang proyekto. "O kung gusto mo doon na lang tayo sa kwarto ko para may aircon?" pahabol mo matapos ang ilang segundo. Tumango lang ako, naliligayahan sa ideyang gusto mo kong maging kumportable sa sarili mong bahay. "Kaming dalawa lang dito ni Kuya Martin pero sabi nya hindi sya uuwi ngayong gabi. Kaya do whatever you want."

Umupo ako sa malaki mong kama at naghubad ng sapatos. Isusunod ko na sana ang aking medyas nang mapansing wala ka nang pang-itaas. Kahit ngayon ko lang ito nakita ng personal, halos kabisado ko na ang bawat korte ng mapipintog mong mga kalamnan. Hayskul pa lang ginagawa ko nang pampalipas-oras ang pagtitig sa mga larawan mo sa magazines. Pero laking gulat ko nang isinunod mo ang pagtanggal ng iyong pantalon. Pigil na pigil ang hininga ko sa mga sandaling yon. Kinakabisado ang bawat detalye sa eksenang ito dahil ito ang klase ng eksena na gugustuhin kong balik-balikan hanggang sa aking pagtanda.

Hindi ko maintindihan kung bakit kinakailangan mo pang maghubad samantalang sapat na naman ang lamig na ibinubuga ng aircon. Kinabahan ako. Mula sa iyong kinatatayuan, naglakad ka papalapit sakin. Hindi ko na magawang ilabas ang hangin na halos sumakal sa aking baga nang mapansing ika'y papalapit. Tila bumagal ang oras sa bilis ng patung-patong na mga bagay na naglalaro sa utak ko kaya't hindi ko na namalayan ang iyong paglampas. Pupunta ka lang pala sa kabinet upang kumuha ng sandong pamalit.

(Sadyang nagiging mas masarap talaga pag may elemento ng pagkasabik, diba? Pero sapat na yan, tambling na ulit)

Mag-aala-una na ng madaling araw at halos tapos na rin ang ating ginagawa. Tuyo na rin ang mantsa ng ikalawang kapeng tinimpla mo para sakin na aksidenteng natapon sa isa mong unan. "Sige tulog ka na, bro. Ako nang tatapos nito tutal konti na lang naman e," wika ko. "Tsaka andami mo na ring nasagutan."

Tumingin ka sa mga mata ko at ngumiti. "Sigurado ka, bro?" tanong mo. Tumitig ako sa mga labi mo at pinigil ang pagnanasang durugin ito gamit ang mga labi ko. "Oo naman, pahinga ka na," sagot ko.

Dahan-dahan mong inunat ang mahahaba mong binti't braso kasabay ang isang malakas na paghikab. Buong pagmamadali kong nilanghap ang amoy gatas mong hininga. "Basta ipatong mo na lang yang laptop sa side table pagkatapos mo a. Tapos humiga ka na sa tabi ko. Ikaw nang bahala kung gusto mong patayin yung ilaw," sabi mo habang namimili ng paghiga kung saan ka pinakakumportable.

Pinanood ko ang pagpikit ng iyong mga mata. Pinagmasdan ang pag-indayog ng iyong dibdib kasabay ng iyong paghinga. Unti-unting bumaba ang tingin ko sa bukol na tila nagpupumiglas sa iyong boxers. Ano ba 'tong naiisip ko?! Nagmadali akong bumalik sa aking ginagawa ngunit hindi ko pa rin napigilan ang mga panakaw na tingin sa nasabing bukol. Ilang sandali pa at tuluyan nang natapos ang pinaghirapang Practice Set.

Hindi ako sanay matulog ng bukas ang ilaw kaya't pinatay ko ito. Mas lalo kong naramdaman ang lamig ng kwarto nang bumalot dito ang dilim. Dahan-dahan akong humiga sa iyong tabi, iniingatang hindi ka magising. Ilang minuto pa ang lumipas ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hindi ko kayang matulog nang ganon kalamig kaya't unti-unti kong hinila ang kumot na pinagsasaluhan natin nang bigla mong ipinatong ang mga hita mo sa akin. Hindi pa ko nabibigyan ng pagkakataong makapag-isip ng isinunod mo ang iyong mga braso. Kahit wala akong anumang maaninag, nakasisigurado akong ika'y gising pa.

"Luke, bakit ngayon lang?" mahina kong tinanong. Pinipilit ikubli ang mga luhang pilit umaagos sa aking mga mata.

"Sinubukan kong mapalapit sayo," sabi mo habang hinihigpitan lalo ang pagkakayakap. "Sinubukan kong mapalapit sayo pero hindi kita maabot."

"Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan!" hindi ko na napigilan ang mga luha.

"Kahit anong gawin kong pakikipag-usap sayo ipinapakita mong hindi ka interesado sakin. Lagi akong may dalang extrang papel, bolpen, at iba pang pwedeng maging dahilan ng pag-uusap natin pero lagi ka ding may extrang dala," sabi mo habang ibinabaon ang mukha mo sa dibdib ko. "Natuwa ako nang nagkaron tayo ng pagkakataong magkasama ng ganito. At hindi ko na to palalagpasin pa."

(Note: Ihanda ang sarili)

Tahimik mong hinubad ang aking damit habang pinupuno ng halik ang aking mga labi. Hindi na kailangan pa ang mga salita para ipaalam sa isa't isa ang ating mga nararamdaman. Matagal na panahon din ang hinintay natin sa pagdating ng sandaling ito at wala tayong pagsisisihan. Magmula noon, halos gabi-gabi nating tinutugunan ang tawag ng ating mga laman. Binabagtas ng ating mga dila ang (shet, hanggang dito na lang, baka masira ang wholesome na imahe ng aking blog).

THE END

Alternate Ending:

Hindi ako sanay matulog ng bukas ang ilaw kaya't pinatay ko ito. Mas lalo kong naramdaman ang lamig ng kwarto nang bumalot dito ang dilim. Dahan-dahan akong humiga sa iyong tabi, iniingatang hindi ka magising. Ilang minuto pa ang lumipas ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hindi ko kayang matulog nang ganon kalamig kaya't unti-unti kong hinila ang kumot na pinagsasaluhan natin nang bigla mong ipinatong ang mga hita mo sa akin. Hindi pa ko nabibigyan ng pagkakataong makapag-isip ng isinunod mo ang iyong mga braso. Kahit wala akong anumang maaninag, nakasisigurado akong ika'y gising pa.

"Luke, anong ginagawa mo?" mahina kong tinanong. Pinipilit ikubli ang aking pagkagulat. "Pareho tayong lalake, hindi natin 'to dapat ginagawa."

"Tumahimik ka. Kapag may pinagsabihan ka nito, gagantihan ko lahat ng mahal mo sa buhay!" sabi mo habang isa-isang pinupunit ang aking mga saplot.

"Wag mo silang idamay, papayag na ko sa kahit anong gusto mo," naluluha kong sinabi.

(Note: Alam mo na kung anong gagawin mo)

Binuksan mo ang ilaw at kumuha ng apat na pares ng posas para sa aking mga kamay at paa. Hindi ko inakalang sa ganito hahantong ang lahat. Hindi ito ang ginusto ko. Magmula noon, kahit anong pag-iwas ang gawin ko sayo, nahahanap at nahahanap mo pa rin ako. Ilang ulit akong tinanong ng aking mga magulang kung saan ko nakuha ang mga bakas ng sugat na likha ng iyong mga posas, ngunit dahil mahal ko sila, kailanma'y di ako nagsalita.

THE END

Disclaimer: Ang pamagat ay galing kay Luke Jickain mismo. Ginamit nya ito nang tumakbo sya bilang presidente ng student council noong isang taon.

xoxo

Ikaapat ng Hulyo, saktong 6:15 ng gabi, naramdaman kong magkakaron ng isang malaking pagcartwheel sa buhay ko. Habang nakikinig sa kwento ng aming guro, bigla akong napalingon sa pinto dahil may kung anong liwanag ang nagmumula rito. Unti-unti itong bumukas at dahan-dahang pumasok ang isang lalaki. Nasilaw ako kaya't kinusot ko muna ang mapupungay kong mga mata at muling tumingin. Unti-unti nang nawala ang ilaw at naging malinaw sakin ang lahat. Sa lalaking iyon nagmumula ang kakaibang liwanag. Napakurot na lang ako sa braso ng aking kaibigan at nasabi ang mga salitang "Putangina, si Luke Jickain!" (I know I totally looked so ~uncool~, pero hindi ko na napigilan e)

Sa mga oras na yon, kasalukuyang ipinapaliwanag ng aming propesor ang irereport namin. Tatluhan daw ito. Sakto! Isa na lang ang kailangan namin at irreg pa sya kaya't wala syang kaibigan. Pwede naman kaming magkasundo ng kaibigan ko na kung may overnight man na magaganap, magiging mitsa ng buhay nya kung makikigulo pa sya samin.

Ayan na, papalapit na sya. Umupo sya sa likod namin! Hermaygaaad. Parang gusto ko nang tumakbo papuntang Abbey upang magpasalamat sa Diyos nang bigla kong napansin ang kasama nya.

Okey lang. Si Luke Jickain lang yan. Marami pang mas pogi.

Sumuko na ko at nagpatuloy na lang sa pakikinig. May 'konting' panghihinayang pero ayos lang. Ayos lang talaga. Hinintay ko na lang ang pagdating samin ng papel kung saan isusulat ang mga grupo. Pagdating nito, puno na lahat. Merong mga tigdadalawa lang pero nakakalungkot naman kung magkakahiwalay kami ng pinakamamahal kong kaibigan. Hanggang sa nakita kong nangangailangan pa ng isang miyembro si Luke at ang kaibigan nya.

Tila bumukas muli ang pintuan ng langit. Wala na kong pakialam sa mararamdaman ng kaibigan ko basta iiwanan ko sya sa ere. Nagmistulan akong bingi sa mga sama ng loob nya, ipagpapalit ko lang naman daw pala sya sa kung sinu-sinong lalaki. Syempre't ginamit ko na naman ang linya kong "Ano ba? Dyan ba nasusukat ang pagkakaibigan natin?" With matching galit-galitan factor pa ito.

Hanggang sa dumating na ang oras upang ipakilala ang sarili sa kanila. Slow motion akong naglakad patungo sa kanilang kinauupuan. "Ahmmm.. ano kasi e.. wala na pong ibang group kaya sa inyo po ako napunta." (Maang-maangan ang bakla)

Ngumiti sya at sinabing, "Nako boss bata pa po kami." Nakatitig lang ako sa kanya na may blangkong mukha. Pinagnilay-nilayan ang kanyang sinabi. Aaaaah joke yon! Nagjoke sya. Agad kong inutusan ang sarili na tumawa.

"Ahihihi.. Ano ba?!? Ang joker mo talaga!! Hihihi.. Halika nga dito," sabay kurot sa pisngi.

Pero syempre sa isip ko lang naganap ang lahat ng yan. Dapat munang panatilihin ang 'straight' kong imahe sa kanya. Dahil parang panaginip lang ang konbersasyong yon, hindi na malinaw sakin ang bawat salitang aming pinagsaluhan. Wala nang ibang magawa ang bahay-bata ko kundi ang magtubig nang magtubig. Gustong-gusto ko nang isayad ang uhaw kong dila sa facial hair nyang super sexay. Nakikinig lang ako sa kanya. Basta lahat ng sinabi nya joke. Nakakatawa naman, infairness. O baka kasi pogi lang sya. Kayo na ang humusga.

Bago matapos ang usapan at lumabas sa silid, biglang humampas sa utak ko ang pribilehiyong nakamit ko dahil sa pagiging magkagrupo namin. "Pwede po bang makuha yung number nyo?" walang-pagdadalawang-isip kong tinanong. "Gusto mo text-text tayo tuwing umaga?"
AY PUTANGINA, MAGKAMATAYAN NA TAYO SINABI NYA TALAGA YAN!

Umiikot na ang gulong ng palad. Unti-unti nang naisasakatuparan ang itinakda. Ang problema ko na lang talaga e kung paano 'to hahantong sa sex. Pero anuman ang mangyari ito lang ang tatandaan mo Luke Jickain, gaya ng sinabi ko mahigit siyam na buwan na ang nakakaraan, hangga't iisa ang eskwelahang ating pinapasukan, hindi ka pa rin mananatiling ligtas.
Previous post Next post
Up