Dec 15, 2006 11:46
"the best project you can ever have in life is your self."
-emma porio
hindi ko inaakalang magiging masaya ako sa thesis class ko. hindi ko man nakasama ang karamihan sa mga blockmates ko para maghapit at maghirap at magimbento ng thesis, natutuwa ako sa thesis adviser ko. weird siya at lahat pero masarap siyang pakinggan sa kanyang mga monologue tungkol sa buhay, lalung-lalo na kapag hindi na tungkol sa sociology ang pinag-uusapan niya. tulad nung bigla na lang siyang nagkwento ng kanyang mga expectations sa amin bilang mga graduating seniors, na dapat kaming maging innovators at challengers at kung ano pa para sa ikauunlad ng bayan.
ano na nga ba ang nagawa kong masasabi kong napaunlad ang aking sarili?
ang pretentious ko naman para isulat yun. pero napapangiti ako sa mga naiisip kong recent achievements sa buhay kolehiyo. maganda na sigurong pangitain iyon.