nagulat ako nung isang araw nang makita ko ang poster ng "tenacious D in the pick of destiny" sa dyaryo. hindi ko inaakalang ipapalabas siya dito sa pilipinas at nagplaplano na akong maghanap ng dibidi sa piniratang tabing. sobrang idol ang tenacious D! hindi magkakasya ang kung anumang isusulat ko dito para ipahayag kung gaano sila ka-asteeg at fazsyon at hupaw at rakenrol! excited na kagad ako, haha. parang bata.
TENACIOUS D IN THE PICK OF DESTINY
SHOWING IN THEATRES DECEMBER 13!
♥
consituent assembly. nakakarinding isipin na simula sa lunes, ito na ang tawag sa kongreso. nakakatakot isipin ang bagay na ito, nakakatakot isipin kung anong ang maaaring mangyari susunod. sa isang banda, nakakaasar itong nangyaring ito, pero natuwa din naman ako dahil sa talinong ipinakita ng mga kongresista sa pagsulong ng con-ass. hindi ko inakalang may tinataglay silang ganoong klaseng katalinuhan at pagplaplano kahit na lumalabas ito sa mga maling bagay. dahil kung tutuusin, magaling nga ang timing nila sa pagsulong ng con-ass. putakte at naisip pa nilang mapalusot ang mga kababalaghang ginagawa nila sa isang loophole sa amendment. swak din na ipinasa muna nila ang isang rule na mas magpapadali sa pag-apruba ng con-ass isang linggo bago nila ipinasa ang apila para dito. grabeng strategy. pati na rin ang pag-assign sa bagong chief justice na dating bumoto para sa people' initiative. magaling. nakakahanga. nakakasuka din na dyan lumalabas ang lahat ng galing at talino ng kongreso. naipakita talaga kung bakit isang malaking vicious cycle ang ating lipunan.
"ano ang magagawa natin?" lagi ko iyang tinatanong sa mga bagay-bagay at isyu na napakalaki at napakalawak, para makita ito sa isang bagong pananaw na hindi masyadong nakakalula. sa totoo lang, mahirap isipin kung ano ang papel natin- lalung-lalo na tayong kabataan- sa isyung ito at nakakapanliit isipin ang magagawa natin. pero laging mayroong magagawa para dito. sa pagkadami-dami ng kapangyarihan ng consituent assembly para magbago ng konstitusyon ng pilipinas, babalik at babalik pa rin sa mga mamamayan ang kapangyarihan para ipatupad o tanggihan ang mga pagbabagong inilagay. bago tuluyang ipatupad ang mababagong konstitusyon ng assembly, magkakaroon ng plebiscite para bumoto ang mga tao kung gusto nila o hindi ang bagong konstitusyon. sa tamang pagboto tayo may maisasabi ukol sa isyung ito.
♥
minsan masarap ding tumahimik lang at makinig. nakakapanibago, pero marami ka ring matututunan mula sa iyong kapaligiran.
nakakamiss magsulat dito.