Induction Climb Part 1

Nov 17, 2006 05:59

Okay. sobrang late na ang entry na ito. At kahit hindi ko pa alam kung paano ko ikukuwento ang nakakabaliw na induction climb namin, I have to write it down na, or else makakalimutan ko na ang mga details. 'Lam mo naman ako, may memory gap. Sabaw-sabaw na utak ko. Anyway, ganito lang naman ang nangyari:

Oct 26 ng gabi

Nagmamadali na naman akong pumunta ng Tower 1 galing sa office from a telecon. Jesus, paalis na nga lang, nagtratrabaho pa rin ako. But it's okay. I'll be spending the next 20 hours travelling to Kalinga.

Oct 27

48 years na biyahe. Sakit sa puwet. Para akong ginagahasa ng sampung kargador. Baliw pa yung driver nung jeep na ni-rent namin. Mukhang gustong magsuicide. Gustong ihulog sa bangin yung jeep na sinakyan namin papuntang Tinglayan. Kalowka. Medyo nakipagkuwentuhan na rin ako sa driver about the local language spoken in Kalinga. Parang chinese. Something like "Wu ru maschom ru" to say Good day. and "Iskucha" to say Thank you.

That night, we stayed at the house of an ex-mayor of Tinglayan. After dinner, tinoma namin yung Mc Cormick Green Apple Vodka ni Kim. In fairness, masarap naman siya. Kahit cheapez lang.

Oct 28: Climbing Mt. Mosimus




Eto na.This is really is it. Go go go na itu.

Our group, "Papalicious And The Hitads " (PATH), consisted of 7 inductees (Pops, Vicky, Pie, Ike, Kim, Adonnis, and me) and 3 AMCI members (Alman-GL, Niel, and Gilbert) from B2K5, is already the biggest group, considering na 12 lang kaming inductees. The other two groups are the "Los Tomadores" (Jhoana and Teejay, GL-Arnel) and the "Thundercats" (Mike, Brody and Peter, GL-Jon Mallari). Group lang din namin yung nakapag-effort gumawa ng group shirt na kulay apple green.

Happy yung morning ng first day. It was sunny. Meron ding kaunting view. Kumakanta-kanta pa nga ako ng mga Kyla at JayR songs. Nung lunch time na, sa balay kami kumain. Muntik na kaming kumain sa ibabaw ng puntod! Katabi lang kasi ng mga bahay dun yung puntod ng patay nila.

Bandang hapon, habang nagpapahinga, tinanong ko yung isang guide(si Gerald) kung may 'nganga' ba sila. Kasi, di ko pa na-try yun. Sabi niya, meron daw, kaso baka daw masira ang tiyan ko dahil hindi ako sanay. Sabi niya, mag-damo na lang ako. And then, he gave me a bud. Solb.

Then we entered the forest part of the mountain. Medyo excited pa ako kasi, according to the Itenerary, may pagka-labyrinth forest daw ito. At may wild berries farm pa. So, pag naligaw kami sa labyrinth forest, pwede namin kainin ang mga wild berries para hindi kami mamatay sa gutom.

Di pa kami nakakalayo masyado, etong si Kim, sumemplang na! At sorry, yung mukha niya ang ginawang pang-tukod. Nagkabangas tuloy sa mukha.

Tapos nun, trek-trek another. Walkatie-walkatie. Tingin-tingin at different kinds of trees and mosses. Tapos, ayan na, patarik na ng patarik ang trail. Ewan ko sa iba, pero ako, enjoy ako sa mga ganitong trail. We reached the summit of Mt. Mosimus around 4pm yata. The campsite's still two hours away. Sabi ni Alman, mauna na kami ni Adonnis so we can reserve an area for our group at the campsite. So we did. When we got at the campsite, gabi na. Wala kaming dalang tent ni Adonnis, so we have to wait for the rest of the group to arrive. Pero at least nakapag-reserve na kami ng area. Pero hindi rin gaanong kagandahan.

Habang naghihintay, pinilit kong mag-major. Never in my whole mountaineering career(4 climbs) pa akong nakapag-major. At alam ko, I have to do it now. Mahirap pigilan itu ng limang araw noh! So, naghukay na ako. Then umupo. Tapos sinilip ko kung tapat ba sa hukay yung babagsakan ng chorva. Okay. Game na. One.. Two.. Three.. Ungghh! Unnggghhh! Ayan! Success at last! Syet. Lumampas. Pero ok lng. First time naman eh. I'll do better next time. hehe.

Finally the rest of the group arrived. We started pitching our tents and the kitchen. And while we're preparing dinner, it started raining. Happy mood pa rin naman ako kahit umuulan. After nung dinner, nag-inuman pa kami (Kim, Alman, me) sa loob ng tent. Tawa lang kami ng tawa kasi si Kim, bangag na.

Oct 29: Climbing Mt. Binalauan

Pagkagising namin. Naramdaman namin nina Alman na para kaming nasa waterbed. When we went out, nalaman namin na binabaha na pala kami sa labas ng tent! Sa area namin dumadaloy yung tubing. Buti na lang, thanks to TNF, hindi kami pinasok ng tubig.

Sa totoo lang, sobrang blurry na itong araw na ito for me. I'll just characterize this day as walang katapusang ulan at forest. In short, rainforest. At ang nakakainis pa dito, Cloud 9 lang ang trail food na dala-dala ko. Syet.

Umuulan pa rin when we reached the campsite. And this time, ramdam ko na ang malakas na hangin. Then, it crossed my my mind that maybe we're caught in a middle of a storm. Pero wala naman kaming choice dahil wala rin namang exit point. Siyempre that night, kahit pagod at umuulan, inuman pa rin kami sa loob ng tent ni Alman. This time Gilbert joined us, dala-dala niya ang tequila niya.  At dahil walang magawa, napagtripan kong tuksuhin si Kim kay Gilbert, na sinakyan naman ni Alman. Si potah naman, kilig na kilig. Ahehe. Tuhog queen talaga ang drama ng lola mo.

to be continued...

amci

Previous post Next post
Up