first off, i would like to greet
erv a happy birthday!
last saturday, nagpaparty siya sa kanyang bahay sa pasig. ayun, andun ang mga antarcticans, mga taga-cosplay.ph etc etc etc. masaya naman ang naging party. may naglalaro ng settlers, nakikipagchikahan at naglalaro ng live na twg.
salamat
pao ha.. salamat. ~X( (candid shot ko na kuha ni pao. x___x)
sumali ako sa live na twg. ung una, natanggal ako agad. pero yung last na game was epic. ang haba at matagal natapos. nakatagal din ako sa game. pero natalo kaming mga villagers x__x
mga lagpas hatinggabi na kami nakauwi. kasabay ko si
nona pauwi. nagtaxi kami, bumababa ako sa kamias, edsa then nagtaxi ulit patungo kila
lon sa may fairview dahlia. ayun. pagkadating ko dun, nadatnan ko si anata na gising pa. well, nde daw siya makatulog. palit ako ng damit then natulog na kami.
kinabukasan, mga tanghali, nagtungo naman kami sa angat, bulacan sa tita nila lon. ayun. nakarating kami dun mga 3pm na. masaya dun dahil napaka-hospitable ng kaniyang tita vicky. around 9-ish pm, nagpasiya na kami lumuwas pabalik ng manila. ayun, pagkauwi, ipinagluto ko si anata ng hotdogs. then mga 1.30am, umuwi na ako sa bahay.
monday, nde na muna ako pumasok sa office. instead, nagbayad ako nung globelines bill ko sa marquinton. after nun, ilang session ng percussion freaks 3rd mix at pump it up zero. then, nagtungo ako sa beauty mixxed riverbanks upang lumandi. nagpa-hot oil ako ng buhok, manicure at foot spa na rin. napagpasyahan kasi namin ni darice magmeet sa mega mga around 7pm so nagpalipas muna ako ng oras kaya pumunta ako ng salon. then after nun, megamall to meet darice. kasama niya si akio at si trudi. kumain kami sa kenny rogers. and since umabot ng 200 ung kinain namin dalawa, may free access pa ako sa wifi. nauna namang umuwi sa amin sila akio. since dalawa na lang kami, napagpasyahan namin na magkape. tinry namin yung san francisco cafe sa may el pueblo. masarap naman ang kape nila dun, ok din yung price. at ang masaya pa dun, sobrang tahimik. at least, wala akong naririnig na conyotic na mga tao. hahaha. mga 11.30 kami umalis dun kahit hindi pa kami tapos mag-usap/bonding session ni darice. (pasara na rin kasi ung kapihan kaya lumabas na kami.) nagpasya akong magtaxi pauwi. sumabay sa akin si darice hanggang edsa. then pagkauwi ko, online saglit tapos iniwan ko na nakabukas yung baby ko para matapos yung zoku sayonara zetsubou sensei torrents ko.
yan na lang muna.