weekend..

Nov 03, 2008 17:24

October 31

half day lang kami sa work. at buti na lang, sweldo. after work, punta muna ako sa cdrking dito sa eastwood to by my baby a bag para safe na siya dun. then after that, direcho na ako papunta star city kasi magju-judge ako sa costume competition dun. much to my surprise, naging host ako. so together with akemi, hinost namin yung buong contest. grabe, astig din yung mga costume. may anime characters, game characters and philippine folklore characters. ayos, tamang-tamang pang-halloween. after the contest, libot around star city and kain. then binigyan kami ng ride-all-you-can tix. we decided to use it. so yun, rides.. rides... RIDES~

inuna namin yung parang anchor's away ng EK. then after nun, labas kami at tinry yung star flyer, bagong attraction ng star city :) grabe, cool! naka-dalawang ulit kami dun. then dapat susunod namin yung surf-something ride. kaso biglang nagkaroon ng problem. so nagtungo na lang kami sa galactic (enterprise sa EK) then wild river. since pasara na yung park after ng wild river, nagdecide na kami umuwi. on our way out, may nakita akong gashapon. at may sayonara zetsubou sensei! bumili ako ng isa. at ang nakuha ko ay si kafuka fuura. heheh XD nagtaxi na ako kasabay si ryven papuntang fairview. at dun ako nagstay kila daddy dandan.

hanggang dito na lang muna.

Previous post Next post
Up