sa kakatawa.
aside pa dun sa kagabing hirit ni
adz ng "kita utong" habang pinapaliwanag niya kay manong carding yung turtle neck na sleeveless na fitted na damit papagawa ni
pao, yung radio program kanina sa bahay habang nagtutubras ako ang nagpagulong sa akin. tungkol iyon sa qingming o ang tomb sweeping day na sine-celebrate ng mga chinese kada abril. katumbas ito ng undas sa mga katoliko. nililinis nila ang mga tomb at nagpi-picnic din sila sa kung saan man nakalibing ang kanilang mahal sa buhay. inaalayan din nila ang libingan ng pagkain, alak, prutas etc. tapos nagsusunog sila ng mga kagamitan tulad ng kotse, bahay, mobile phones pero yari sa papel. it's a sign of honor yun and para daw maging comfortable ang mga relatives nila sa kabilang buhay.
sa malaysia, idinadaos din nila ang festival na ito. at meron isa dun, nagbebenta ng mga sexy lingerie na gawa sa papel. sinusunog ito upang i-alay sa mga yumao.
seryoso na sana eh.. pero sabay banat nung announcer.. "aalayan mo ba ng sexy lingerie ang lola mo na yumao na?" *tapos sabay tawa*
hindi man pumatok sa ibang tao yung hirit niyang yun, eh ako naman napa-snort na tawa. kasi para sa akin, automatic yung mental image.
owel, my 2 cents.