Makati Red Light District

Apr 05, 2009 20:37

Pagkauwi ko nung Sabado, di rin nagtagal at nasa layasan na naman ako.

Our first stop was the Cybergate building at Pioneer. The boi had an opening remark stint for a review gig. I figured that I'd go with him and be the supportive boi that I am (yes, thank you). While waiting for him, I stayed at Starbucks where I had my "me" time. As in literally. I was the only customer in the store for the first 30 minutes of my stay. Until dumating si Ms. Dahlen.

After CG, we went to UPD to do three things:

Magpacarwash. Don't ask why. Pero basta, dapat dun. Pero sabi nga ni koya, "ay, wala na yung carwash na nandyan 10 years ago". So walang carwash, at naglilimahid pa rin si Aishwarya.

Kumain sa Rodics at kumain ng fishballs. Kahit may Rodics sa malapit sa office, isang tumbling lang, iba pa rin ang dating pag sa Shopping Center ka kumain ng Tapsilog. At walang fishballs sa makati. Puro squidballs at chicken balls lang. Masyadong soshal.

I learned na iba na ang kalakalan ng pagbebenta ng fishball (at least sa SC) dahil you dont make tusok tusok na. and its not priced per piece na. It's php10 per order of 15 fishballs at sinasandok na nila sa kawali yung mga balls...kasama ng isang sandok na mantika na hindi nasasala.

Bumili ng mga t-shirt at sticker ng UP.

Mejo natagalan kami sa UP kaya mga alas-sais na kami dumating sa Kalayaan. Pupunta pa dapat kami sa MOA para chumika sa mg Slayers sa Hooters. Pero dedma na. Nagpahinga na lang kami.

Tapos nung 9 PM, habang nanonood kami ng MMK kung saan bulag si Diether, naalala ko na nagyaya pala yung ibang office friendships para gumimik. So nagpahatid ako sa Makati ave. Alam ko naman na sa Red Light district yung lugar (Filling Station) so naprepare ko na yung sarili ko sa kung ano man ang maaari kong makita dun.

Muntik pa ako magkamali ng pasukan dahil magkakatabi mga pintuan. Tusme, heaven knows what sins I might have seen kung nagkamali nga ako ng pinasukan (sins daw o). Hinanap ko sila. Kumanan ako imbes na kumaliwa. At nakita ko ang mga kanong may kasamang mga pinay. Marami sila. Parang may kano-pinay billiards convention. Sa isip ko "seryoso talaga sila sa endeavor na dito gumimik" pero fine. Tinawagan ko si D at nahanap na din sila. Di man ako nakapaghooters, ok na rin yung Filling Station kasi may mga nagsasayaw na mga belyas. Isang dance number lang naman ng mga waiter na babae. At wholesome na dance number (Kenny G na "songbird" ata. joke!). Na fascinate lang ako dahil mga 5 silang sumayaw sa harap namin. Talo ang mga birthday song numbers ng mga waitstaff sa Italliani's at ang mga sigaw ng mga attendees sa Cyma pag nag seserve sila ng pagkain (OPA!).

At dahil busog ako dahil wala akong ginawa maghapon, uminom lang ako ng white russian at nagkwento at nagpapicture.

12 MN, umuwi na ako at nagbalik anyo bilang si Cinderella at nag facebook na ulit. 

weekend

Previous post Next post
Up