Tara na, byahe tayo.

Mar 31, 2009 10:48

Umuwi ako ng maaga nung Sabado ng umaga. As in mga alas-sais pa lang umuwi na ako kahit na kadalasan umuuwi ako ng mga 8 or 9 pag Sabado. Masarap magtrabaho pag tahimik na sa office e. At sa di maipaliwanag na kadahilanan, parang mas busy ang Fridays ko kesa Mondays. Pero iba nung nakaraang Sabado.

Pag-uwi ko, natulog ako ng mga 2 oras at bumangong na agad nung 8:30 or 9 dahil may lakad kami. Pupunta kami ng Antipolo para tingnan yung resort kung san mag outing si da boi. Napag usapan na susunduin muna namin si Sheryl sa california gardens sa boni bago kitain sila Albert at Chess at Ate Bangs sa Conti's greenhills. Ayun, awa ni Santa Claus, nahuli kami sa EDSA-Shaw. Kasalanan ko naman kasi nag u-turn kami sa pedestrian road (road talaga hindi lang lane). Buti na lang naayos namin ni manong.

Pagkasundo, diretso kami sa Greenhills. Kumain ng agahan. Nagchikahan at pinagtawanan ang nangyaring hulihan.

Pagkakain, go na ulit sa Antipolo. Nakita namin yung resort. Hindi kagandahan. Malamang dahil summer at lahat ng tao ay nandun. Pero kahit na. Sabi nga ni da boi, parang 10 commandments lang, nag part ang red sea sa dami ng tao sa pool.

Walang nag-swimming sa amin. Dahil sabi ni Albert, baka magkabuni pa kami. Pramis, sinabi nya yun. Sosyal kasi yun e. Pero agree naman kami sa kanya, kahit kami ay hindi sosyal.

Para hindi masayang ang byahe, punta kami sa Our Lady of Good Voyage para mapabinyagan si Aishwarya Ingrid. Sa mga nakakaalam ng religous preference namin, wala na lang pakialamanan. Hindi pari ang nag binyag kay Aishwarya, lay minister. At parang hindi holy water ang ginamit nya, dirty water. Dahil pagkatapos ng seremonya nya, winisik wisikan nya yung sasakyan ng walang patumangga. As in. Kung tao si Aishwarya, malamang nalunod na cya. Nang matuyo, ayun, puti puti at maitim itim. Andami. Sobra.

At dahil ang unang plano ay magswimming. Umuwi na lang kami ng Manila at nagswimming sa condo ni Ate Bangs. Sosyal din siya. Malaki yung bahay.

Mga 6:30 umuwi na kami para makahabol ako sa taunang reunion ng mga taga Calbiga, Samar sa Valle Verde. Tapos nung 8:30, Earth Hour na.

At nung Linggo naman, maaga ulit kami bumangon para magbalikan ulit kami sa Angeles para sunduin sila Mommy. After lunch, balik na kami ng Manila at tuloy sa MOA para mag malling dahil nuknukan ng init.

Shet, kung san san ako nakarating.

weekend

Previous post Next post
Up