Apr 13, 2009 18:52
Mabilis lang ito kasi nasa isang dugyuting internet cafe ako sa Session Road.
1. Suddenly last Wednesday, nabuhay ang hope na matapos ko ang thesis by end of summer term. Gusto ng Thesis Adviser ko ang intro essay, pero gusto niya ring i-pull out ko iyon mula sa DR para ipasa sa journal na siya ang mag-eedit. It doesn't help na yung essay ko ay tungkol sa lokasyon at kakapusan. Lagi niyang sinasabi, "Well, the journal is prestigious and it pays well." I just outed myself as someone with provisional morality. Shyet.
2. Gusto niya yung essay ko pero gusto niyang ilagay ang sarili ko sa "tradition." It's the same trouble I ran into nung undergrad thesis ko and it's happening again. Nilimitahan na nga niya eh: Simula '80s hanggang ngayon.
3. Kanina pinag-uusapan namin ni Thesis Buddy A na ang pinakamalapit na sa ginagawa ko ay kay Estrella Alfon, lalo na yung mga kuwento niyang post-WWII Manila kung saan may isang dalagitang nasilipan ng mga mekaniko next door. Tapos nun, putol na ang chain. Saan ko ba ilulugar ang sarili ko? Ang hinala namin ni A ay dahil sa aming pag-aaral kahit na sa gradwadong antas ay hindi kami exposed sa pagbabasa ng literatura sa Filipino/Tagalog.
4. Kinailangan kong gumising ng maaga dahil dapat umpisahan ang sessions ng workshop. Interesante naman ang mga presentation pero napuna na parang iwas ang mga tao sa pagbibigay ng definition sa kanilang mga ginagawa. Pero wala rin akong sagot dito ngayon dahil habang lumilipas ang mga araw ay nadidiskubre kong wala akong alam.
5. Darating dito sa Baguio ang adviser ko ng Wednesday ng hapon. Dapat umalis na kami ng Wednesday ng gabi dahil may summer class pa si A at ako ay dapat nakahanap na ng solusyon sa essay ko dahil ang proposal defense ay sa susunod na linggo na. Pero bago yun ay kailangan ko muna sumulat ng sangkatutak na liham para ayusin ang defense.
6. Naki-upo at nakinig halos ng buong araw sa pag-prisinta ng poetics ng mga fellows sa UP Writers Workshop. Namumukod sa isip ko ngayon ang mga tanong: "Whose shoulders do you wish to stand on?" Talagang pasahan ng baton pa rin ang drama dito.
7. Sa susunod na ang maayos na komento dahil ang isa pang pre-okupasyon: Wala pa rin kaming suweldo. Mahirap mapunta sa ibang siyudad na walang pera. Pakshyet.
thesis,
gradskul,
rant,
grad class