Fandom

Sep 26, 2011 11:42

Hindi ako fan ni Papa P, as in Piolo Pascual. Katunayan, hindi ko siya trip kasi feeling ko kasama siya sa kapisanan ng mga Badinger-Z at
lupon ng mga beki na ayaw lang mag-out. I have nothing against gays, in fact, I do have quite a number of gay friends and I super enjoy
their company. Ewan ko ba bakit ko nafi-feel yun kay Piolo haha.

Ayun, balik tayo sa usapan kay Papa P. In fairness, sikat talaga siyang tunay. Last Sunday (Sept 11, anniversary ng 9/11), kahit hindi ko
naman siya idol, sumama ako dun sa album launch niya na Songs of the Decades sa D'Marquee mall sa may Downtown East. Free
standing ang eksena kaya dapat mauna ka sa pila para andun ka sa harap. At dahil fanatic ang isang kaibigan ko, andun na siya sa pila
12:30pm palang kahit na 4pm pa ang simula ng show.

May opening act muna, ung Pinoy acoustic duo ng Two-Way Street . Naka-seven or eight din ata silang kanta. Ilan sa kasama sa set nila ang "Wag Na Lang Kaya" ng True Faith, "With A Smile" ng Eheads, "Lazy Song" ni Bruno Mars, at "Alapaap" ng Eheads. Magaling sila, in all fairness. Minsan matripan ngang pumunta sa Bedok at tumambay sa Happy Days (dun sila nag-gi-gig M-F. Nagpromote?!).

After nila mag-perform na almost 40 minutes din ang tinagal, si Yeng Constantino naman ang nasa stage. Maliit lang na bata at malikot sa
stage pero rakistang rakista ang dating. Nakakatuwa siya. Parang engster lang din akong nakikanta at naki-sway-sway sa audience sa
"hawak-kamay, di kita iiwan sa paglakbay dito sa mundong walang katiyakan..." =)

And the moment every fan of Piolo has been waiting for...nung tinawag na ng emcee ang "Piolo Pascual", hindi na magkamayaw mga tao
sa kakasigaw. Nakakaloka. Dahil Songs of the Decades ang nipopromote nyang album, galing din sa baul ang mga kantang kinanta niya.

Nung bumaba siya ng stage, lalong riot.

Isipin ang pwestion ko (ako ung X)

STAGE
----------------------------------------------------------------
stairs                                                                 stairs

(open space para sa photographers)

*********************************************** (steel barricade)
        oooooooXoooo
 ooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo
 oooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo...

Nung bumaba si Piolo, ang mga nasa likod, gora lang sa pagtulak. Ako naman, mega-kapit sa steel barricade, feeling ko babagsak at
masusobsob ako sa sahig kasama ng mga napster na bouncer.

May ilang mga bagay akong natutunan/nalaman dahil dun:
1. Una, kahit hindi ka fan, kapag andyan na ung artista sa harap mo at nagshe-shakehands, hindi mo mamamalayan, nakikipag-shakehands ka na rin. Haha. <<-- ginawa ko kay Piolo yan! Nadala kasi ko kay Nanay (na katabi ko), hinihila niya si Piolo para ma-kiss!
2. Kapag OFW ka pala, mapapansin mong sabik ang mga Pinoy na makakita ng Pinoy na mga artista. Kahit saan pang lupalop yan, malaki man o maliit ang venue, mahal man o mura ang ticket, pipila at pipila parin sila para makita ang mga iniidolo.
3. Huwag na huwag pumuwesto sa harap. Kasi kulang nalang mahati ng barricade ang katawan mo sa dalawa sa kakatulak ng mga taong umaapaw sa egsaytment sa likod.
4. Malambot ang kamay ng mga artista. Haha. (At maganda talaga ang katawan ni Piolo, hapit na hapit ang kanyang 6-packs sa suot na damit)
5. Kahit presyong ginto ang pirma ng artista, meron at meron parin pala talagang bibili. Ang dapat na $20 na album naging $50 dahil sa poster, mahabang pila, signature, picture-taking at kiss.
6. At meron talagang mga die-hard fan na nagpapa-import pa ng Php2500 worth ng photobook ni Piolo from FullyBooked sa Manila.

Kakaibang experience ang magpunta sa mga ganung events.
Maski ako ganyan din nung magpunta si Wu Chun sa Manila nung 2008. Pumila pako sa ABS-CBN para makanood sa The Buzz noon. At kahit nakaupo sa sahig, meron pa kaming dala-dalang mga magazines, posters, etc at nagsisisigaw ng "Wu Chun", "Calvin". Haha.
Ganyan din ako sa mga anime fest at cosplay events sa Rob Place Manila dati. Para akong bata na hindi makamayaw sa dami ng laruan. Isama narin ang ka-weirduhan ko sa pagkagusto sa mga korean, taiwanese, at japanese movies at series.

Kanya-kanyang hilig nga lang talaga yan.
Kaya walang basagan ng trip! =)

Heypi Monday!!! (4 days nalang weekend na ulet! Hehe)

life in singapore, uncategorized

Previous post Next post
Up