Unang araw.....

Jul 10, 2008 17:42

Nagtatrabaho na ako ulet!!!! At dito na nagsisimula ang isang kabanata sa buhay. Walong oras kang nasa opisina, kasama mo ang mga taong ngayon mo lang nakilala, nakausap, naamoy, nakita, nakaapir at iba pa.

Sa ngayon naisip ko na nagtatrabaho tayo para: mabili mo ang mga gusto mong gamit, tulad ng psp, gagastusan mo ang luho mo tulad ng comics at laruan, magiipon para sa bahay na pinapangarap mo, para magastusan mo ang mga babeng gusto mong ligawan, shotain, gawing gelpren, jog-jogin isa isa o sabay, babaeng gusto mong pakasalan, anakan at ibahay *para sa iba*. kelangang ko din magtrabaho para mabawasan na ang katamaran sa buhay para may masulat may mareklamo, isumpa, may ipang sustento sa bisyo ng katawan ko mga usok na hinihithit at binubuga, tabletang lulunukin para mahilo habang mabilis na nilalagok ang pampitong beer mo sa gabi habang nakaklimutan mo na ang lahat pati pangalan ng mga taong nakilala mo. Bumili ng dvd, ng computer magkabahay sa south bumili ng lupa sa palawan na malapit sa beach, pumunta ng tagaytay na may kasamang sumpung babae sa likod, Para magagwa mo na yung pelikulang pinapangarap mo, puntahan sa maynila ang babaeng minamahal mo, para sa nanay mong may sakit, sa anak, at tatlong babaeng pinapaaral mo, para kumurakot sa bayang hawak mo, para mabuhay, mamatay, matulog, himatayin, makipagsosyalan sa mga taong hindi mo naman kilala, mang sumbat sa kapwa, maramdamang may kwenta ang buhay mo, para sumbatan ang mga kamag-anak mo, kaibigan at lahat ng tao, para pag nagaaway na kayong lahat, may depensa kang: "hoy! nagtatrabaho ako ng maayos!!!", magbayad ng upa at lahat pa ng ibang shet na yan!!!!

Ikaw? bakit ka nagtatrabaho? para saan para kanino?
Sa daming rason na pwede mong sabihin, masaya parin yung ngiting ibibigay sayo ng unang sweldo mo..... so enjoy this monotony, para makapagparty-party.... ewan..... Sagutin mo nga....

Previous post Next post
Up