Mar 04, 2007 00:39
Diliman Classics.
CRS Anniversary Dinner.
Drew's.
McDonald's Katipunan.
apartment ko sa Mother Ignacia.
masaya. :)
_____________________
nang pagpasok sa McDo Katips para magsundae, nakita namin sa Sir Av*cilla. mukhang seryoso yung pinag-uusapan nila ng mga kasama nya, kaya di ko na lang sya pinansin o binati. punta akong CR. paglabas ko, nakasalubong ko sya, edi medyo kinabahan ako. then..
Him: Hey!
Me: Hi, Sir!
Him: What brings you here?
Me: Sir, we went to Drew's after Diliman CLassics. we're having sundae here.
Him: Kasama mo ba ang mga iyon? (sabay turo sa mesa namin)
Me: Yes, Sir.
Him: Okay. (diretso pasok sa banyo)
at, at, at, nung nakaupo na ako sa mesa namin, at dumaan sya pabalik sa mesa nila, habang busy ako sa kakakwento and all, bigla ba naman nya ako kinalabit sa balikat! i mean, Atty. Victor Avec*lla just gave me a nudge!!! natigilan na lang talaga ako. i said i could die just right then and there!!!! hahaha, ang pathetic ko...
naalala ko pa nung isang beses naman, matapos ang klase namin sa kanya sa Media Ethics, nasa loob din ako ng banyo, nakaharap sa may urinal, nang pumasok sya. tapos..
Him: Mr. Dizon!
Me: Sir!
Him: (pasok sa cubicle) Bakit ka namumula kanina?
Me: Sir? Hindi po, mabilis lang po talaga akong mag-blush. Minsan kahit wala namang dahilan..
Him: Hindi kaya dahil gusto mo yung katabi mo?
Me: Sir? Hindi po!
Him: Ano nga ulit ang pangalan nya?
Me: Darisan po, Ria Darisan.
Him: Matalino ang batang 'yun, ah.
Me: Opo, sir. Kaklase ko po sya mula first year.
Him: Bakit hindi mo ligawan yun? Bagay kayo..
Me: Sir? (punta sa may sink) Naku, hindi po. Kaibigan ko po sya.
Him: Edi mas mabuti! Ligawan mo!
Me: May boyfriend na po yun, sir..
Him: Taga-UP ba?
Me: Hindi po.
Him: O, hindi naman pala, eh. Ligawan mo na!
Me: Hindi po talaga. Saka, sir, may girlfriend na din po ako.
Him: Taga-UP ba yan? (punta sa may sink)
Me: Opo, sir, MassComm din po.
Him: Ah, sige, sige, mabuti yan. 'Wag mo nang pakawalan..
Me: Opo, sir. Sige po, see you next week..
Him: Sige..
Me: (labas ng banyo.)
yun lang. masaya lang ako na nakakausap ko sya sa labas ng klase. at syempre, masaya din ako na nakakasagot naman ako sa kanya sa klase kahit papaano. sana lang masaya din sya, at bigyan ako ng pasadong marka. all i need is a 3.0!!!!
happiness,
randomness