Thesis: Pending

Mar 01, 2007 04:29

Naibalik na ang first draft ng thesis. medyo madugo. pero mukhang kaya naman. malinaw naman na ang lahat. sana'y maging madali kahit papaano ang revision..

sa mga darating na araw, multo na naman ang drama ko. bugnot, puyat, ajit, lethargic. basta. ngayon pa lang, ipagpaumanhin nyo na..

makukuha ko na rin pala sa wakas ang aking graduation pictures. haha, sana lang naman..

gusto ko, at kailangan ko, magtapos ngayong darating na abril.

matagal-tagal na rin akong hindi nakakatikim ng yosi. sa nakalipas na dalawang buwan, wala pa sigurong 20 sticks ang nahitit ko. hmmmm...

life in general, senti, acads

Previous post Next post
Up
[]