Magkano kaya...

Jul 16, 2008 10:01

... magpa-deliver ng mga ito sa Europa?

  • Maty's tapsilog (na laging sinasabi ni Edward na gawa sa kabayo, kasi alam niya kung gaano ko iniyakan si Boxer sa Animal Farm)
  • Rodic's tapsilog
  • McDo longsilog breakfast meal
  • Jollibee chickenjoy
  • Bento Box chicken yakitori
Kailangan ko ng mga ito kasi may serious aversion ako ngayon to Swedish food... yung amoy at itsura pa lang ng dill, bumabaliktad na ang tiyan ko. Tinimbang ko ang sarili ko ngayon lang at bumaba uli ang timbang ko. Total weight loss: 5.2 kg (11.5 lbs). Nabasa ko dati na to lose one pound, you need to use up 3,000 more calories than you consume, so paano ba ang math nito...

11.5 lbs * 3,000 calories / lb = 34,500 calories daw according to Mr. Google.

So I've used up 34,500 calories more than I've taken in in the past 5 weeks or so. Sana ok lang si bebi...

Edited to add - Edward's reaction to my tapsilog cravings: "Hanap tayo ng kabayo na kakatayin. Punta tayo sa Säby Gård."

wrinkles & eyebags

Previous post Next post
Up