Paghilom (a.k.a. To Sir Cutiepie, with Love)

Apr 29, 2007 19:01

Mabilis lumipas ang panahon. Pag hindi mo ito mamalayan, bigla na lang itong dadaloy sa iyong mga palad na parang buhangin. Minsan, kailangan mong magtala sa iyong talaarawan upang wala kang malimutan. Sa bilis ng panahon at sa dami ng mga pangyayari, madalas may pagkakataong may mga magagandang alaala na sadya mo na lamang makakalimutan.

Pero ang mga alalaalang gaya nito. Hm... Parang hindi yata madaling malimot. Sayang, yon pa naman ang dapat mabura sa aking isipan.

Naalala niyo pa ba ang talang ito?

Mga katoto, kapamilya, kapuso, at iba pa. May bagong kabanata naman sa aking buhay. (Isang kabanatang nagsara na bago pa man ito maisulat...

Ganito kasi yun. Minsan, may pag-ibig na dakila na hindi pwedeng sumibol dahil sa mga pagbibiro ng tadhana. Minsan, may pag-ibig na hindi talaga nagiging pag-ibig dahil walang pagkakataong magkaroon ng sukli sa taong umiibig. Kasi... dahil... datapuwat...

Leche naman o. Kasi ganito yun.

Akala ko noon, mas masakit ang drama ng ligaw tingin. Yung titingin ka lang tapos magmamakaawa ka sa Diyos na sana ligawan ka niya. Yung hindi kayo nag-uusap, liban sa panaginip. Di kayo naghahawakan, liban na lang sa pabanga-banga habang sumusunod sa agos ng mga tao.

Pero mas mahirap pala ang magka-gusto sa taong hinding hinding HINDI mo pwedeng pagpantasyahan. Kasi, hindi ko masabi sa Filipino (ganon kasama!) It's very wrong in many levels (ay teka. sablay pa ata english ko, ganon kasama!)

Hindi na nga ako magpapaliguy-ligoy pa. Kung noon nagatibok-tibok ang puso ko sa exam, kakatingin sa isang malayong kamag-aral sa malagim na silid ng examinasyon. Ngayon, yung gago kong puso, dun sa gagong nagbibigay ng test nagkagusto. gago talaga.

Alam kong mali. At alam kong walang pag-asa. Kahit ba 30 pounds later (lighter) pa ako magbalik sa klase niya. Pero minsan talaga, naiisip ko, nag-iilusyon ako, na baka pwede. Kaso.. kaso.. sa isip ko naririnig ko ang boses ni sam milby sa mukha niya na nagsasabing "I.never.said.that.i.loved.you" (AROUCH!)

Buti sana kung magaling ako sa tinuturo niya, na nakukuha ko ang mga pinagsasabi niya. Pero wala. Wala akong maintindihan... yung mga pormula... yung mga tanong... yung mga sagot... kung bakit di pwede maging kami... kung bakit ba kasi sa dinami-dami ng tao siya pa...

pero tapos na. Wala na. kaya. yun lang. the end. Bye Sir Cutiepie. Naging masaya ako sa klase mo. pero ngayon, kakalimutan na kita (yeah right).

O yan, yan ang update ko peanutbutter_kj
Previous post Next post
Up