Dec 07, 2006 23:46
Ewan ko ba, tuwi nalang may maganda akong sasabihin, nakakaligtaan kong isulat. Nakakainis talaga. Lalo na't yung mga hindi ko nasusulat yung mga mabenta at hindi madrama. Kasi naman, parang pinaglihi na sa sama ng loob itong aking talaarawan. Pero ganon naman talaga hindi ba? Mapapaisip ka lang at mapapatigil ang mundo mo ng sandali kapag tungkol sa kalungkutan ang nais mong isambulat. hahaha. hay nako, ganon siguro talaga ang buhay.
Kung eto sinulat ko kahapon marahil puro mura laman ng entry na to. Pano naman kasi, some kindofva binulotng ang lola niyo. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng pinya. kaya pala ang asim niya. gumising ka naman kasi tuwing umaga na bukol bukol ang buo mong katawan. Hindi ka ba mabubwisit non!? Isa pa, ang kati kati. pakiramdam ko kinain ako ng isang pulutong ng lamok at hantik. Ibang klase. Pero ngayon, masuwerte ako, medyo natutuyo-tuyo na siya. Kaya eto, muka pa ring langit ang katawan ko (rawwwwrrr!!) . ang daming constellation. ibang klase.
Maliban don, wala na akong ibang masabi. hay nako. ganito siguro talaga ang buhay, masyadong mabilis, masyadong makulay para mahawakan ng sandali at isalpak sa papel para mabasa ng iba. Siguro kailangan namnamiiiin...ang pinagmulan...ah..eh...ibig ko sabihin, namnamin ang bawat sandali. kaya...
MABUHAY TAYONG LAHAT!!!
BAWAL MAGKASAKIT!