(no subject)

Feb 29, 2008 19:56

Sa mata ng lipunan isa lamang akong estudyante...isang walang alam, walang karanasan at isang maliit na boses...ngunit hindi ito dapat maging hadlang upang ipaglaban ko ang sa tingin ko ay tama...ang hilingin na pabagsakin ang naghaharing mapang-aping uri...ang hanapin ang katotohanan at higit sa lahat ay ipaglaban ang karapatan ko...

minsan ang hirap himukin ang iba na makisali sa isang bagay na sa mata nila ay nakaka-perwisyo at nakakagulo ngunit hindi lang nila maintindihan kung bakit gusto kong ipaglaban ang mga bagay na 'to...

hirap na hirap akong humanap ng mga makakasama sa labang ito lalo na sa eskwelahan ko...nakakatawa at sa totoo lang ay nakakahiyang maging estudyante ng isang eskwelahang nagsasabing "The Truth will set you free." pero ngayong ang katotohanan ay itinatago ng mga taong nakaupo sa kapangyarihan ay hindi ito kumikilos para palabasin ang katotohanan...

isa akong estudyante...nag-iisa...ngunit pag sinamahan ninyo ako...kung magsama-sama tayong mga estudyante ay may magagawa tayo...nakakalungkot lang isipin na ang iba ay walang pakialam at walang balak na kumibo sa mga nangyayari ngayon.

Masyado ng malaki at marami ang problema ng ating bayan, kung hindi ka kikilos, kung hindi ka kikibo, kung hindi ka maninindigan at lalaban, daragdag ka lang sa mga problemang iyon. Para kang Cancer na hindi na kayang tanggalin pa sa sistema at tumutulong pa sa pagpapahina dito.

sige ituloy mo lang ang paglalaro mo, ang pagsasaya mo, ang pagsasawalang bahala mo...tignan ko lang kung magawa mo pa ang mga yan kapag naulit ang nangyari sa nakaraan...isang bagay na hindi nalalayong maganap...

Kaya Kumilos kayo 'wag yung puro salita, ideolohiya, prinsipyo at paniniwala.

Ang katotohanan ay ipaglaban.

Manindigan.

Huwag maging bingi sa tawag ng ating panahon.

Kumilos tayo.

paqnawagan para sa pakikibaka, state of the philippines

Previous post Next post
Up