"Walang pasok"

Jun 22, 2008 02:20

Sa tuwing naririnig ko ang malakas na paghampas ng hangin kapag may bagyo, naaalala ko ang mga panahong nagka-cram ako para sa isang major exam, at sa pagitan ng pagbabasa at paggulong sa kama ay nagdarasal na sana walang pasok kinabukasan.  Hanggang a la cinco o a la sais nang umaga ko babalikan ang mga readings ko, at makahihinga nang maluwag kapag magtetext ang nanay ko sa akin: "Walang pasok.  Wag ka nang lumabas ng boarding house, may bagyo."  Sa tuwing hindi masusupindi ang klase, maliligo na lang ako at tutuloy sa ekon... bahala na mode.

Namimiss ko na ang buhay estudyante.  Namimiss ko na ang UP. 

up, alaala, estudyante

Previous post Next post
Up