May 14, 2006 00:10
Fighting Maroon na ako nung Friday…ü hehehe…
I woke up around 6:15am, took a bath, got dressed, and waited for mommy downstairs.
We took the bus at bumaba kami sa Padre Faura.
Then, we walked to the Office of the University Registrar (OUR).
Andun na si Joan at around 20 freshmen.
So, luminya na ako tas after 2 minutes siguro, dumating na si Kate.
Luminya siya sa likod ko tas nag-usap kaming tatlo.
Medyo mabagal yung paggalaw ng linya kaya tinignan ko yung ibang linya.
Umuulan kasi kaya sa window 1 nakapila lahat tas maikli yung pila sa windows 2 and 3.
Tinawag ko sina Joan at Kate tas sa windows 2 and 3 kami luminya.
Ayun, mas nauna pa kami natapos kaysa run sa mga dinatnan namin. Hehehe…
After, masubmit yung mga requirements, sabay-sabay kaming pumunta
sa College of Medicine sa Pedro Gil.
Dumaan kami sa likod ng PGH at Robinson’s para makapunta run.
Yung mga volunteer students na andun ay yung Intarmed batch 2012,
tas may limang ’05 na andun.
Nagbayad ng insurance worth 200 pesos sa Office of Admissions
tas pumunta dun sa table sa labas ng Admissions office at nagbayad
ng 30 pesos para sa Medical Student Council.
Binigyan nila kami ng questionnaire para i-fill up.
Andun yung usual questions like name, birthday, nickname, etc.
Tas may OR questions, like, introvert or extrovert,
Studies or studies when needed, Kapamilya or Kapuso, etc.
At, may weird questions like what is your guilty pleasure.
Meron ding kung manalo ka sa lotto ano ang gagawin mo sa pera,
kung bibigyan ka ng one wish ng isang genie ano hihingilin mo, etc.
Binigay din nila yung paper kung asan yung sched namin (Form 5)
tas may mga dapat pa kaming i-fill up dun.
After nun, bingay ko na sa kanila lahat, at kami’y naghintay.
We waited for 1½ to 2 hours because some doctor forgot that it’s
enrollment day and his signature is needed for any
Intarmed student to be enrolled. RAAAAAAAAR.
Ayoko talaga sa mga pa-importanteng mga tao. Kainis!!!!!!
Anyway, around 11:20am, nabigay na sa amin yung Form 5
at kailangan na namin pumunta sa OUR para magbayad.
Pumunta kami sa 3rd floor nung OUR building kung asan yung OSA
kasi sila yung mag-co-confirm na oblation scholar ako
at sila yung mag-re-reassess nung Form 5
kasi andun din yung tuition and fees.
Nung dumating kami run, wala yung person
kaya naghintay kami for around 10 minutes.
Dumating siya tas meron siyang ice coffee sa kamay niya.
Like, HELLO, hindi ba niya alam na enrollment
at na may naghahanap sa kanya??
At, malapit na ang lunch break magsasara ang cashier.
Anyway, nung turn na namin, hinanap sa akin
yung letter from UP - Diliman na nagsasabi na
Oblation Scholar ako. Ang problema, hindi ko dala
kasi wala naman saking nagsabi.
Ang akala ko naman may record sila pero wala,
ni computer wala eh. Haaaay.
So, tumawag siya sa OSSS ng UP - Diliman
para i-confirm na oblation nga ako.
Na-confirm niya at niri-assess niya yung Form 5.
Sabi niya babayaran namin yung ID, entrance at NSTP, 694.50 pesos lahat.
Tas sabi niya sa susunod na pagpunta ko, which is on Monday
ay dalhin ko yung letter at dalawang photocopy nito
at yung Form 5 at dalawang photocopy rin nun
tas sa likod ng Form 5 ilagay ko raw yung account number ko sa landbank.
Tas, after nun, pumunta na kami sa cashier at nagbayad
tas nagpapicture sa second floor. Yung ID na makukuha ko,
yun na pala yung ID ko sa UP for seven years.
Makikita ko yung pagkaka-iba ng itsura ko.
Meron akong before and after look. Hahaha…
Tas, after nun, pumunta ulit kami sa College of Medicine
para kunin yung class cards. Pagkarating dun, after 2 minutes
nakuha ko na yung class card at, ayun, tapos na.
Isa na akong FIGHTING MAROON.
Pumunta kami sa Robinson’s Place Manila para kumain.
Nagkita kami run ni Joanne at sabi ni mommy na maganda siya.
After kumain, pumunta kami kina angie
para magbayad ng renta ko para wala ng problema.
Tas after nun, umalis na kami, sumakay kami ng FX pauwi.
Sumakit yung likod ko kasi sira na yung cushion
sa bakal ako nakasandal. At, malaki rin yung isang guy na sumakay
kaya mas nasiksik ako. Tas naglakad kami papunta sa gate ng village
at sumakay ng shuttle kasi umuulan.
Block 13 sina joan, joanne, pati ata si lorraine at dingy
Block 14 ako, trebor, ardynne at kate
Yung block 13, Filipino ang communication skills na subject nila.
Kaming block 14, english naman.
************************************************************************
Kanina nagpacleaning ako ng ngipin. Wala lang. Ang lamig-lamig grabe.
Ang sarap. Pag-akyat ko akala ko naka-on yung aircon kasi ang lamig talaga.
Sana ganito lagi sa gabi pero sana hindi ganyan kahangin
kasi ang daming dahon na nahuhulog mula run
sa puno ng langka ng katabi naming bahay.
Ok lang sana kung sila yung maglilinis eh, pero hindi, ako.
RAR.
************************************************************************