(no subject)

Jul 13, 2006 23:33

Finally, makaka-update na ulit ako…matagal na rin since yung last entry…
Anyway, nagkainternet connection kami sa dorm nung Tuesday.

Ang saya noh? Hehehe… Matagal-tagal din naming itong hinintay kasi naman nagka-aberya sa Smart, kaya nung Tuesday lang na-ayos yung Smartbro.

Haaay, wala na ako masyadong matandaan sa mga nangyari nung nakaraang mga araw. Pasensiya na.

Kahapon, gusting pumunta ni Joanne sa UP-Diliman tas tinanong niya ako kung gusto ko sumama. Eh, may practice kami for our history 5 presentation, kaya,
sabi ko, around 3 pm pa ako free. So, yun, hinintay niya ako at around 3:30 nasa UP-dil na kami. Sumakay kami ng FX hanggang Philcoa tas jeep papuntang AS.
Nakita kami ni Karlo tas bumaba siya sa jeep na sinakyan niya at sinamahan kami. So, bumaba kami sa AS at pumunta sa Casaa. Kumain ng lunch si Karlo tas
after nun, pumunta kami sa dilimall kasi dun magkikita si Joanne at Mark. So, yun, ilang beses na naimg napuntahan ang bawat dulo ng dilimall sa kakahintay.
Tas dumating si mark, umalis si karlo, nag-usap sila ni joanne sandali tas bumalik kami sa AS. Pag dating namin dun, umakyat kami tas nag-turn right at sa dulo
andun sina nikki, mariel at mio. Hug-hug tas alis si mariel. Badtrip si nikki, ewan ko kung bakit, kaya mataray siya. Well, lagi naman siyang mataray eh, so, nothing
new. Hehehe. Jowk lang. Ayun, tas nag-istambay sandali sa AS, umakyat para magbanyo tas umalis na kami ni joanne. Hinatid nila kami sa megatren sa katipunan.
First time kong sumakay, tas nung nasa baba na kami, sabi ko kay joanne na pakiramdam ko nasa subway ako sa US. Wala lang. Hehehe. Tas nakarating kami sa
Recto, bumaba at sumakay sa line 1 ng LRT. Bumaba sa P. Gil at hinatid si joanne sa RPR. Tas, umuwi na ako.

Kanina, walang pasok, pero maaga pa rin akong nagising kasi may mga nagtetxt at nagtatanong kung talaga bang walang pasok kanina. Pero, ok lang naman kasi
natulog ulit ako. Paggising ko, bihis na si Nil kasi pupunta siyang UP-dil. So, nag-computer na lang ako, nagsurf sandali, nag-download tas nanood ng Grey’s Anatomy.
Kumain ng lunch, habang nanonood. After 2 episodes, naglaro ako ng battle realms, alam kong matagal ng laos yung game, pero wala lang, gusto ko lang maglaro.
Tas niyaya ko si pat na pumunta sa SM Centerpoint. Sumakay kami ng jeep para sana makamura, pero, mas napamahal kami kasi di namin alam kung saan bababa.
Dapat pala sa city hall tas punta sa susunod na block. Nakalimutan ni pat na yun yung babaan, kaya nung nasa Blumentritt na kami, sabi ko sa kanya, baba na kami at
mag-LRT na lang. Ayun, ang layo na pala namin, 5 stations away kami from central kung asan ang SM. So, dumating kami before 7pm. Naghihintay na yung mom at
friends ng mom ni pat sa Yellow cab. Oh di ba, free dinner. Hehehe.

Kaya kami pumunta sa SM ay para tumingin ng water dispenser at printer. So, yun, pumunta kami sa SM appliance center at nakakita kami ng dispenser na P1,600.
Ok na yun, kasi yung nakita namin sa Rob, P2,200 tas di pa kilala yung brand. Tas naghanap kami ng printer, ang lagi naming tanong ay kung anong printer yung may pinakamurang ink cartridge. At, ang sagot nila ay ang EPSON C45. P2,295 siya tas magiging P2,795 kung gagawing 2 years ang warranty. Sabi ko kay pat, pili siya ng
isang bibilhin namin, kasi may extra money naman ako. So, yung printer yung binili kasi yun yung mas kailangan. P2,795 pero hati naman kaming talo ni pat at nil. So,
yun, tas dumaan kaming national para tumingin ng libro, tas umuwi na.

Previous post Next post
Up