offline journal entry 02/20/2018

Feb 20, 2018 21:17

  Wala akong masabi kundi sobrang astig nitong araw na ito.  Una nakapaghanda ako ng maayos para sa busy-ness ng lunch.  Ay- bago pala nun, nakasalubong ko si Matthew sa Dk4 pagka-clock in ko.  Sabi nya sa akin, they've received a lot of emails from various guests saying that I was friendly, helpful, and make delicious crepes.  A little of it got to me, although I didn't like it coming form him. So in the middle of the service inaya ako nina Kuya na sumama sa kanila magPicnic at swiming.  Grabe sobrang astig lang.  Kasama ko ang tropang electrical  Kain kami ng Pinoy food at sea urchin.  Sarap!  Tapos - pinapunta kami ni Atul sa Chef's office - akala ko kung ano na.  BInigyan kami ni Garrett ng positive opportunity log.  Ang weird nga, eh.

Anyway, nung nagp-pick up ako, kuha ako ng transpo log sa Chef's office sakto andun si Exec Chef Benedict.  Hininto nya ako at binanggit nya ulit yung comments/email ng mga guests.  Just when I was expecting the worst parang baliktad naman ang nangyari.  Masaya pa nun - nung dinner sobrang busy tapos may isang um-order ng apples with Cinnamon etc.  Ayun super karir ako ever.  After 15mins, bumalik sya sobrang thank you sya at masarap daw sabay abot ng pera.  Aba, 2dollars dni yun ah.  Thank You Lord!
Previous post Next post
Up