Hello IJM, ATM account, at ID; goodbye cashier, Security Bank, at receptionists sa lobby.

May 25, 2007 00:20

Last May 10, isang taon na pala akong employed.
Isang taon na pala ako sa ABS-CBN.
Looking back, not bad, nakita kong nagkaroon ako ng growth
at improvement.
Malayong-malayo nung pikit-mata kong niyakap
ang sweldong Php 6000 a month sa pagbe-brainstorm.
At least nagbunga lahat ng paghihintay
(which is why thankful ako talaga sa CDG)
at napadpad ako kung saan mas may greener pastures.
Bonus na lang na part ako ng show na pwedeng ipagmalaki.
[Keri na kahit wala pa sa CBB.]

It's good na nakikita ng mga tao sa paligid ang pwede mo pang ibuga
at finally nag-eexist ka na sa paningin nila.
At least ngayon, masasabi ko na
nasa level na ako ng maapektuhan sila
kapag mabalitaan nilang namatay ako sa kagat ng ipis
o impeksiyon sa patay na kuko.

Sabi nga nung crush ko sa PBB: "Sa edad natin, it's the experience and growth we are after."
Hindi malaking sweldo or ang benefits na libreng dental check up.
Sa taning na ibigay ko sa sarili ko hinihintay ko kung ano ang pwede pang mangyari.
Pwedeng piratahin ako ng IBC 13,
pwedeng kunin ako ni Direk Lauren na housemate for the next season,
pwedeng bigyan ako ni Charo Santos ng scholarship sa film school sa Paris,
pwedeng madiscover akong bagong Bench model,
o ihalo bilang bagong cast sa ni-reformat na Let's Go.
Hindi natin alam.
Previous post Next post
Up