Ninong vs. Inaanak

May 02, 2007 02:13




More at : hawflakes.deviantart.com



April 8 ang birthday ng pinsan/inaanak kong si Andrei,
I wasn't able to attend the party plus I forgot to send a gift.
Usually, pag nakalimutan kong magbigay ng regalo,
hindi na ako talaga bumibili. Bawi na lang next year.
Pero ibahin mo ang pinsan/inaanak ko. Rockenrolll 'to batang 'to, nakakatawa.
If ever man magkakaanak ako, gusto parang si Eric Cartman ka-kupal.
Kaya mahal ko 'tong batang 'to, Eric Cartman personified.

May entry na ako sa kanya dati dito.

Note: Ang inaanak ko ay isang wasted 8-year-old boy.

2 days later, April 10:
[phone rings]

Bhugzey: Hello.
Andrei: Ninong!
Bhugzey: O baket?
Andrei: Anong regalo mo sa 'kin?
Na-shock ako sa inaanak ko dahil naalala.
Bhugzey: [Shit!] Ah oo, nakalimutan ko. Sige papadala ko na lang diyan sa inyo.
Andrei: Ano... 500 na lang...
Bhugzey: [?!]
Bhugzey: Ano?! Hoy sino kasama mo jan?! Siguro tinuturuan ka ng mama mo?!
Andrei: Hindi. Ako lang dito... Ano? 500 na lang!
Bhugzey: [Pucha] O sige pag-iisipan ko! ['Langya hitad 'tong batang 'to, marunong na sa pera. LOL]
Andrei: Sige.

[phone hangs]

Kinuwento ko sa mama at papa ko na sinisingil ako ng regalo ni Andrei kaya tawa sila ng tawa.

Kinabukasan:
[phone rings]

Bhugzey: Hello.
Andrei: O ano nang desisyon mo?
Hayup parang usapang sindikato
Bhugzey: Ay naku wala pa kong desisyon! Pag-iisipan ko pa, wag mo muna kong guluhin!
Ipapadala ko na lang sa inyo.
Andrei: [pabulong] Ninong... 500 na kasi. Sige na...
Bhugzey: Sige bahala na.
Andrei: SIge bye.

[phone hangs]

Sumunod na araw, wala ako, nasa trabaho:
[phone rings]

Mama: Hello?
Adrei: Tita Bileth, nandyan si ninong?
Mama: Wala, nasa trabaho pa. Tumawag ka mamaya.
Adrei: Sige bye.

[phone hangs]

After several hours:
[phone rings]

Mama: Hello?
Andrei: Tita, andyan na ba?
Mama:[?!]
Mama: Wala pa, tumawag ka sa gabi! mamaya pa yun!
Andrei: Ah... ano kasi, si Mama ang binigay lang sa 'kin 18 pesos. Eh may bibilihin
kasi ako. Nakita mo yung pencil dun sa birthday ni Lyka, bibili ako nun. e kulang...
By this time tawa na nang tawa nanay ko. Sukat bang magpaawa.

Maya't maya tumawag pa rin siya that day at hindi natantanan ang nanay ko.
Tapos sa mga sumunod na 3 days hindi tumatawag. Akala ko nakalimutan na niya.
Yun pala, nag-vacation lang sa Batangas. Isang araw tumawag ulit. Matagal ko na ring iniisip kung anong gift ang bibilihin ko, e sabi ng nanay ko bigyan ko na lang pera kasi baka hindi magustuhan ang bibilihin ko. Kaya nung huling tawag kanina sabi ko bibigyan ko siya ng 200 [500 is too much for a kid] pumayag naman. Sabi ko idadaan ko sa mama nya.

Ngayon kakatawag lang habang nagtatayp ako ng blog entry. Tinatanong sa akin kung tama ang binigay sa kanya ng mama niya:

Andrei: Ninong, tama ba 'tong binigay ni mama?
Bhugzey: O bakit?
Andrei: kasi ang binigay niya limang 20, tama 'yon. Tapos may dalawang 50. Tama ba 'yun?
Taena lafftrip!
Bhugzey: Oo, tama.
Tita Elma: [malayo sa phone] Sino yang kausap mo?
Andrei: Si ninong!
Tita Elma: [malayo sa phone] Sabihin mo thank you!
Andrei: Thank you! Sige bye.

Wahaha wasted.

photos, buhay

Previous post Next post
Up