Yamawaaaaaa-chikan, kabushi-shihiro-chikahawayomonakarowaaaaaaaaaa

Mar 13, 2007 03:25

Kasalanan to ni ycam, dahil sa huling post niya, napahanap tuloy ako ng mga bagay na dapat ay bahagi na sana ng kahapon ko bilang isang gradeschool pupil na half-day lang ang pasok araw-araw.

There were only 2 sections in St. Benedict Academy if you're a gradeschooler-Aristotle lang at Ohm. 'Pag Aristotle ka, ikaw yung pang-umaga. 'Pag Ohm naman, panghapon. [Sa Ohm ako dati ineenroll ni Mama kasi ever since 'ata hindi na ako morning person, hirap ako gumising sa umaga.]

So there, bago pumasok nakakapanood pa ko ng Morning Kiddie Treats ng ABS-CBN at Teysi ng Tahanan. Favorite ko ang Sarah, Ang Munting Prinsesa, Cedie, Ang Munting Prinsipe, Mary at Ang Lihim na Hardin, Ang Alamat Ni Snow WHite, Peter Pan [dubbed by Earl Ignacio], Dog of Flanders [this version], at Remi [hindi yung girl version] kung saan mas nakakaaliw sila Cappy at mas nakakaiyak ang pagkamatay ni Lolo Geehan.

Ang point is, favorite ko ang opening theme song nitong boy version ng Remi. Sinasabayan pa namin siya tuwing umagang magkakapatid at nahanap ko na rin siya sa YouTube finally. God bless YouTube.

Opening Theme

Bonus: Closing Theme

tv

Previous post Next post
Up