(no subject)

Mar 10, 2007 03:02

Itutuloy ko na lang talaga ang plano ko. Ibabase ko na lang ang iboboto kong senators sa 'coolness' ng TV commercials nila at kung aabot sa 'kin ang libre nilang t-shirts.

Best Dance Sequence in a Political Ad Campaign: Manny Villar
Nakakatakot si Manny Villar dun sa commercial niya. Para siyang hindi totoo. Mukha siyang de susing manyika sa commercial especially yung part na sumasayaw siya kasama yung bata.

Most Dramatic Delivery in a Political Ad campaign: Loren Legarda
Madrama. Nakakapikon yung linya niya ng "Ako po si Loren Legarda. Muli pong humihingi ng inyong suporta at pagmamahal..." with matching intonation ni Tiya Dely. Plus mushy pa na theme song na "Ikaw ang Tunay Na Ligaya"

Most Resourceful: Prospero Pichay
Very indie.
3ccd camera + konting free location + free actors = senatoriable campaign ad.
Sa ad, pangarap niyang tuparin ang pangarap ng mga walang makain, walang maayos na tirahan, lollipop factory workers, at breeders ng hamster. Duda ko yung lollipop-makers at breeder ng hamster kapitdahay lang niya.

Most Resourceful - Runner-Up: Antonio Trillanes
Dahil kahit Frindster at Myspace lang ang gamit niya para sa pangangampanya, pasok parin siya sa senatoriable race surveys.

Most Creative: Mike Defensor
Sila Keanna Reeves at Pooh na sisigaw lang ng "'tol!" tapos haharap si Mike Defensor na nakangiti with matching braces sa ngipin. tapos may "Para Sa 'Yo Ang Laban Na 'To" pa na scoring sa background. Balita ko "Walking Tall" daw ang pinaka-big idea ng buong campaign niya. Utang na loob, manggagaya na nga lang wala pang recall. Kung target audience mo si Aleng Bebang, tingin mo ba si Aling Bebang nagsara ng tindahan para manood sa sinehan ng "Walking Tall"? Si Boy Abunda daw publicist niya.

Best Performance by a Mob of Extras + Special Citation for Crowd Control: Migz Zubiri
Sinong makakalimot sa bigay todong extras na sumasayaw ng Boom Tarat Tarat, tapos sabay-sabay na magmamarch, tapos magfoform ng letter "Z"?

Ewan ko next tym na yung iba wala na ko maisip.
Previous post Next post
Up