The second coming of jolog days, Bhugzey's heirarchy of needs, and uneven nostrils.

Feb 20, 2007 12:30

Greetings of peace.

I feel so much like a leprosy survivor right now, coming from Letran, the environment I once was somewhat established and stable, tapos mapupunta sa sinasabi nilang ”the real world” kung saan balik ako sa pagiging tae, walang nakakakilala, at marami pang kailangang patunayan.

Sobrang nada-down ako ngayon sa trabaho, ang masaklap, wala akong magawa dahil nasa akin ang problema. Ok lang sana kung biktima ako ng sexual harrassment sa trabaho kasi madali lang yun. (Aside from the great chances na baka magustuhan ko pa) Magsumbong lang ako sa awtoridad eh then tapos na, kaso hindi naman yun ang problema. Kungbaga sa pagsususlat ng narrative, ang conflict ay hindi ”tao laban sa tao” or ”tao laban sa kalikasan,” kundi ”tao laban sa sariling budhi.”

Straight to the point-hindi ko nararamdamang importante at badly needed ako sa trabaho ko. Lalong hindi ko nararamdamang “I belong” to the workplace. I’m at that level kung saan feeling ko walang pakelam ang mga tao kung nabuhay ako sa mundo at namatay. Ganun ka simple. Kung ia-apply mo ang Maslow’s Hierarchy of Needs (see Fig. 1.0) sa kalagayan ko ngayon sa work, nasa 2nd level na ako ng safety and security pero hanggang dun na lang yun. Hindi na ako umakyat sa sense of belongingness and love.

(Putangina hindi na ako umaasang makakarating sa self-actualization. Si Sharon Cuneta lang ata ang nakarating diyan ngayon.)



Fig. 1.0



As I was saying NASA AKIN ANG PROBLEMA. Marami naman akong kaibigan dun kaso nga mas pinipili kong maging distant, aloof, hindi ganun ka-open. Mahirap akong magtiwala at maraming tao na nakakakilala sa akin ang alam ang ugali kong ito. Hindi ako yung tipong sa unang pagkikita, magki-click tayo kaagad. Karamihan sa mga taong pinakamalapit sa buhay ko ngayon, minsan ko ring iniisnab at hindi kinakausap sa umpisa. Malalapit sila ngayon sa akin, siguro kasi sila yung hindi umalis, nakapaghintay hanggang sa napalagay ang loob ko.

Paggising ko sa umaga, punong-puno ako ng zest na magiging OK ako sa trabaho. I’d come to work confident and puno ng character. Pero once na nasa loob na akong ng workplace, para kong unti-unting nilalamon ng mga tao. Bigla akong nanliliit at nahuhubad sa 'kin yung character. Lahat ng alam ko, lahat ng kaya kong gawin na alam kong hindi nila kaya, parang bigla kong nakakalimutan at naisasantabi. Yung tiwala ko sa sarili ko biglang nagiging kasing liit ng butil ng dumi sa kuko.

I know I have tons of issues sa sarili ko, marami akong insecurities. Hindi ako komportable sa sarili ko. Sa sarili kong pisikal na anyo na nga lang hindi ako masaya. Nakukulangan ako sa height ko, at kahit sabi ng Mama ko mukha na akong addict sa kapayatan pakiramdam ko kailangan ko pa rin mag-exercise. Recently, sa dalas kong tumingin sa salamin, napansin ko na ring hindi pantay ang butas ng ilong ko, mas malaki yung nasa left kesa sa right nostril. I watch TV and movies, surf the net and end up finding myself already observing nostrils of other celebrities, just hoping na hindi ako nag-iisa.

|Segue|

To date, ito ang ilan sa mga artistang hindi pantay ang butas ang ilong|
1. Colin Farell (Alexander)
2. Teri Hatcher (Desperate Housewives)
3. Pops Fernandez (concert queen)

|Going back|

I'm not dumb, at lalong hindi ako isang talentless retard na walang maipagmamalaki kung kanino man ako humarap. I know kaya ko namang patunayan ang sarili ko dito, gaya ng nagawa ko kahit papaano sa Woodridge at sa Letran, na noong baguhan pa lang din ako akala ko wala akong kahit na anong mapapatunayan.

Sabi sa huling summary assessment sa 'kin sa PDA:
"Needs to be more alert and assertive. Has potential and is intelligent."

Masaya ako dahil nakitaan ako ng talino at potensiyal, 'yun nga lang hindi nga kasi ako alert at assertive 'pag nandun na ako. Tahimik, mahiyain, lutang at gusto lang magtrabaho. Aminado naman ako, ito ang naging dahilan kung bakit naudlot ang inaasahan kong konting "advancement." honestly, it felt bad at first. Pero ok lang, ganyan talaga.

Tiningnan ko ang meaning ng "assertive" sa dictionary baka sakaling maremedyohan ang kakulangan:

as·ser·tive (ə-sûr'tĭv)
- adj. Inclined to bold or confident assertion; dominating, aggressively self-assured.

"Aggressive" at "dominating" pala ko dapat sa workplace para makalaban ng ngipin sa ngipin career-wise, tipong titiklop na ang lahat makita lang akong dumarating, otherwise lalamunin talaga ako ng buhay. Well, since they're asking for it, fine. ^_~

As they always say, "Life's a bitch," then poor Life, I guess I'm going to fuck her bad so bring it on. (uy may quotable quote na ata ako, pang rapper. 'sup nigga)

Looking back some weeks before graduation, naaalala kong mahirap nga akong katrabaho kapag nagiging dominante ako. Marami akong natatrash-talk na ka-grupo sa projects, pati nga staffers ng The LANCE. Aminado rin akong kadalasan tumatagos lang sa kabilang tenga ang suggestions ng iba lalo na kapag may sarili na akong gusto. As much as I'd want to say sorry for that, still, no regrets.

Rewind pa 5 years back, isa lang akong jologs na freshman na nangangapa sa Letran, hindi alam ang classroom at 1 and 1/2 hours early para sa 7:30 a.m. class niya. I can't wait for that day na kaya ko na ulit mag-maasim dahil may karapatan na. Hopefully, history is just repeating itself, and I'd get to pass this second jolog days.

Previous post Next post
Up