Something fishy.

Jan 23, 2007 04:11




Sa maniwala kayo at sa hinde, 'yung nasa taas ay isang aquarium. Itsura pa lang parang gusto mo nang tumalon diyan at maging isda na lang forever. 'Yan ang pinagkaka-abalahan kong ma-achieve sa mga panahong ngayon na wala akong magawa sa buhay. Nakakasawa na kasi yung boring naming aquarium na walang ibang laman kundi yung filter at mga isda, time to go back to aquascaping, this time with "nature aquarium." For a change naman at para may challenge. Na-engganyo rin kasi ako nung one time naisipan ko lang mag-google ng aquarium set-ups.



Lingid sa kaalaman ng marami, matagal na akong nag-aalaga ng mga isda.

5 years old - Una akong nagka-intres sa mga isda nang mapanood ang "The Little Mermaid" ng Disney sa special cinema premiere nito sa Folk Arts Theatre. Hindi ko yun makakalimutan dahil yun ang first time kong makapanood sa big screen (ultimo yung sponsor naaalala ko pa--Colgate). May clear picture sa'kin yung inihipan ni Ariel yung pipa ni Grimsby at sumabog sa mukha niya lahat ng abo. Ang lakas kasi ng tawanan nun, tapos ang dilim at nakakapraning. Anyway, simula noon, naaliw na ako sa mga isda, sa lahat ng bodies of water, basta may lumalangoy, kahit kanal.

6 years old - Nagpapabili na ako nun ng aquarium kay Papa. Hindi ko alam yung dahilan niya nun pero hindi niya talaga ako binibilihan. Dahil desperado na ako nung makapag-alaga ng isda, dumukot ako ng isang dakot na tuyong dilis sa kusina tapos itinapon ko sa kanal dahil akala ko mabubuhay 'yun.

Dahil feeling genius ako, akala ko basta na lang nagje-generate ang isda sa tubig basta may lumot. Kumuha ako ng garapon, nilagyan ng buhangin na pang-construction, konting bato at halaman, tapos pinaarawan. Walang isdang nabuo.

7 year old - I was in grade 1 when I first had my fish bowl na matagal ko nang iniyakan sa tatay ko. Premyo pa 'yan nung ma-first honor ako sa school bandang second quarter of school year. Ang inhabitants: swordtails at black molly na ambilis dumami. Namatay lang din silang lahat kasi kulang pa ako sa experience, at yun naman yata talaga ang role ng mga black molly at swordtails sa mga petshops--mapagpraktisan ng mga beginners.

Nabasag yung fishbowl ng katulong namin nung huling nilinisan niya kasi sa rim niya hinawakan at binitbit.

Grade 3 or Grade 4 - Inggit na inggit na ako sa mayaman naming 2nd degree cousin kasi yung lolo niya mahilig mag-alaga ng isda. Marami silang aquarium, may mga fish ponds pa kaya madalas ako tumambay sa kanila.

Nasundan ng maliit na rectangle na aquarium tank (2-3 liters). This time pakiramdam ko, for the very first time may totoo na akong aquarium kasi hindi na siya bilog. Rectangle na siya with matching lining na ng pula sa gilid. Experimental stage pa rin. Wala pa maski anong air pump o filter. Sand lang, konting accessories galing sa nabasag na fish bowl, at mga jolen for further accent.

Dito na ako nag-mix and match ng mga isda one after another. Lahat ng klase ng isda nag-orgy na yata dito. Black molly, angel fish, gourami, goldfish, guppy, etc. Nagte-trade din kami nung pinsan ko ng mga isda. Minsan nga ipinagii-smuggle niya ako ng waterplants sa aquarium ng lolo niya ng hindi nito alam.

Nung nagkaroon na ako ng mas malaking aquarium, naging tirahan na rin yan ng dagang costa, tapos hamster, tapos pagong, tapos lobster. Tapos naging aquarium siya ulet. NOTE: Huling nagamit ang aquarium na 'to sa The LANCE (student publication) office sa Letran nung term namin. Tapos nabasag ng sumunod na batch bwiset!

Grade 6 - I had my 20-gallon rectangular aquarium out of sheer pangungulit kay papa na bumili sa Cartimar. Ang first inhabitants nito ay 2 malaking goldfish na namatay dahil may sakit pala yung mga nabili namin. This time, may air pump at undergravel fiter na ito kaya mejo soshal. With this tank, natutunan ko na ang tungkol sa mga sakit ng isda, kahalagahan ng anti-chlorine, at oxygen. Nadiscover ko rin, the hard way, na hindi pala pwedeng pagsamahin basta-basta ang mga isda dahil pwede pala kainin ng golfish ang guppy, at hindi pala angelic ang mga angel fish dahil nang-aaway ng kapwa isda. Dito na ako tagumpay na nakapagpalaki ng mga isda at natuto mag-design ng aquarium gaya ng mga nakikita natin sa Bioresearch petshops.

Buhay pa ang aquarium na 'to at sa kasalukuyan, may lamang Flowerhorn.

First Year Highschool - Nagpa-custom built si Papa ng aquarium, 3x ng laki ng 20 gallon namin na aquarium dahil lumalaki na ang mga isda at hindi na kasya sa 20-gallon tank. Ngayon may laman siyang mga hammerhead shark at koi. 2 Overhead pump na rin ang oxygen kaya good na at masasabing "angat sa karaniwan."





Nature aquarium ni James Hofteizer, nanalo 'to sa isang international contest.

Kung mahilig ka, punta ka rin dito sa website ni Marcos Avila. Filipino ata siya eh. Ang site na ito ang dinudumog ng mga aquarists at hobbyists sa buong mundo para mag-submit ng mga pictures ng aquarium nila, mapili lang na "aquarium of the month."

3 days ko na 'tong pinaghahandaan, researching sa internet and stuff, mahirap na baka pumalpak. patingin-tingin ng designs, mga kailangan etc. One of these days, pupunta na ako sa Cartimar para bumili ng kailangan so wish me luck. Ipopost ko dito ang kinalabasan ng set-up 'pag nagtagumpay.

Gawa ng taga-Canada, inspired by Takashi Amano. Akalain mong 1-liter lang 'tong aquarium na 'to? Napamura din ako nung nakita ko 'to:




Pero kung paliitan din lang, 'eto na sigurong mga na-search ko:




Naalala ko tuloy yung ginawa kong aquarium sa garapon.
Previous post Next post
Up