Stupid figure drawing banter ->
Celine(to Bea): (i forgot exactly what I said) ...something something... 23 na ako, etc.
Rashid (overhearing): 23 ka na?!
Celine: Uh... oo.
Rashid: 23?!!!
Celine: Oo?
Rashid: Akala ko mas matanda pa ako sayo! Mas matanda ka pa sa panganay kong kuya!
(later)
Rashid: Ma'am Amy, ilang taon na kayo?
Ma'am: 28.
Rashid: Celine, 5 years lang ang tanda sa iyo ni ma'am! Haha! Ate Celine!
Jong: Ate Celine! Ate Celine!
Ferrari: Ate Celine!
Jong: Ay mali! Kuya Celine pala! Kuya! Di ka kasi babae!
Celine: Babae ako!
Jong: Hindi eh!
Celine: Babae ako! Pumapatol nga ako sa babae pero di ibigsabihin lalaki ako!
Rashid (points to me): Ma'am o, si Celine!
(ngiti naman si Ma'am)
(later)
Ma'am: Napanood niyo na yung Casino Royale?
Celine: Ha! Astig! Favorite James Bond film ko na siya!
Ma'am: Ako rin!
Rashid: Celine, sinong James Bond ang naabutan mo sa panahon mo?
Celine: Tae.... si Sean Connery! Haha!
Ali: Hahaha eh di hindi ka 23!
(later still...)
Jong: Ate Celine! Wala sa mukha mo yung 23! Mukha kang...40!
Celine: Mabuti nang magmukhang 40 kaysa sa maging kamukha mo!
Jong: Kung di ka lang babae sinapak na kita!
Celine: Ang sabihin mo, natatakot ka lang kasi alam mong babae ako pero matatalo pa rin kita! Subukan mo lang!
Haha pero ang totoo ay kahit nakikipaglaro lang ako ng kilitian, talo talaga ako.