Aug 21, 2005 11:01
Yup you read it right, cguro hindi na talaga ako sanay gumala, nasanay na yata ang katawan ko tumambay sa bahay lolz 2 days na magkasunod ako lumabas ng bahay kahapon nandun ako sa isang party at ngayon naman nagpagawa uli ako ng bagong salamin yey! after 2 years xD anyway buti naman at ganun pa rin ang grado ng mata ko kala ko nga tumaas eh lagi kasi ako nakaharap sa monitor @_@ although matagal na paghihintay ang ginawa ko kanina sa mall para matapos ang salamin ko. ok na rin actually kesa naman bumalik nanaman ako dun bukas para lang kunin ang salamin ko -_-; tinayaga ko na lang kanina. lakad-lakad nagpapalipas ng oras hanggang sumakit paa ko hahahaha
Kumukuha ako ng pamplet ng mga nagbebenta ng bahay at condo na hulugan kanina at nag-aanalyze ako then habang ginagawa ko un na-realize ko hindi pala biro ang bumili ng bahay ngayon hayyy.... tapos bigla ko naisip sana madami akong pera para madali na sa akin makabili ng bahay nyahahaha! sana pag-bigyan ako ng diyos sana tumama na ung tinatayaan kong numero sa lotto, wag lang sa araw na wala akong pangtaya >_<; lol sabi ko sa sarili ko pag nanalo ako... una babayaran ko na lahat ng utang ng parents ko para tumigil na sila sa negosyo at trabaho nila. ikalawa, bibili ako ng malaking lupa at patatayuan ko ng mga apartment para house rental na lang ang maging negosyo ko o dba? pang-habang buhay na negosyo :D ewan ko pero hindi ko kasi feel ang magkaroon ng mansyon @_@; bukod sa bihira na kayo magkakitaan nakakatamad pang linisin sa laki :-/ tama na sa akin ang katamtaman na laki ng bahay basta may kitchen, dinning, sala, banyo at kuwarto. Tapos may isang kotse ok na un. solve na ako Cguro nga tama si pah na wag ako magmadali bumili, mag-iipon na lang muna kami ng pambili basta ang usapan namin kailangan makabili kami ng bahay bago kami magpapakasal. lol
Then after ko mag-munimuni sa bahay habang sinisita ako ng sekyu ng mall kasi nakaupo ako sa hagdan ng fire escape ^^ naglalakad uli ako. Napadaan ako sa isang resto nakita ko ang mga pamilya na masayang nag-hahapunan at sa totoo lang nakaramdam ako ng ingit, matagal na nung huli namin ginawa yun. Yung namamasyal na magkakasama grade school pa yata ako nun hindi ko na matandaan. Kaya nasabi ko na lang na pagnagkapamilya na ako gusto ko maging ganun kami every saturday or sunday lalabas kaming lahat. sana nga....
Daming tao sa mall kanina sobra. Pinagmamasdan ko sila habang nakaupo ako sa hagdan ng fire exit (tigas talaga ng ulo ko xD) cguro nga karamihan sa mga yun nagpapalamig lang sa aircon ng mall (gaya ko) pero karamihan mga galing sa shopping may dala madaming plastic bag, kumakain sa mga mamahalin at class na resto. Then naalala ko ung napakingan ko sa radyo nung nasa Jeep ako, hirap na hirap na daw ang pinoy kasi pataas ng pataas ang gasolina tapos si pulitikong ganito kurakot pa, si pangulo isang sinungaling din... naman puro pulitika ang pinaguusap sa mga radyo pati sa nasakyan kong FX nasa pulitika pa rin ang tune-in ng radyo. -_-; sa totoo lang nakakasuka na makinig wala naman kasi pinagbago. Kaya hindi umuunlad ang pinas eh walang ibang nasa utak nila kundi pulitika. Balik tayo sa mall sa mga nakikita ko kanina... naisip ko paano mo masasabi na naghihirap ang mga pinoy sa lagay na un?
Hindi ko namalayan oras na pala ng pagkuha ko ng salamin ko, masyado ako nadala sa pagmuni-muni ko. Bilis talaga tumakbo ng oras hahaha hindi ko pa maiisip kung hindi pa ako nasita uli ng guard kinuha ko na ang salamin ko then umuwi na ako. Kaya ito pagod at inaantok na.. pero nakuha pa rin mag-post sa journal hahahaha
Magtatapos na ang August wala pa ring ako nagagawang bagong layout. Wala pa rin pumapasok sa isip ko in short tinatamad >_<;
oo nga pala 1st year anniversary namin ni pah last August 18th. Syet! isang taon na kami Although hindi maganda ang nangyari nagkasagutan kasi kami the night before kaya hindi kami masyado nakapagcelebrate kasi may samaan pa ng loob :-/ tapos ito nga busy ako for the past 2 days. pero ok lang dahil sa sagutan o away na un at sa walang pansinan at pakialamanan (kuno!) dun namin na-realize pareho kung gaano kahalaga sa amin ang isa't-isa. hindi rin namin natiis ang isa't-isa although nauna lang siya ng ilang segundo sa pag-txt sa akin isesend ko sana and txt ko ng biglang dumating ang txt nya sa akin kanina. (Mga Praning eh no! hehehe) Nagkaayos naman kami. Bawi na lang daw kami next year hahaha sana nga sya na ^_^
I Love You Very Much Pah and Belated Happy Anniversary sa iyo