while on way home here in pasig, galing ako sa bahay ng parents ko sa caloocan. at ayun nga ito ang biglang humarana sa akin sa loob ng cab. i used to love this song. can't recall kung na-dedicate ko na ito sa isa mga naging partner ko. pero tangena maluhaluha ang mata ko hanggang matapos ang kanta. peste! napatanong ako sa sarili ko. bakit ako nag-iisa ngayon? pero ok lang, its going to be my first time to be single for the holidays. its been a long time na lagi akong may partner whenever december comes. i'm looking forward about being single this time. i'm sure its gonna fun. almost everyweekend ata ng december booked na ako for reunions with highschool friends, college blockmates and old friends.
naalala ko tuloy yung article ni
noringai sa peyups.com
"...Sawang-sawa ka na maging single. Hindi mo na matandaan kung ano ang feeling ng may ka-holding hands at kahalikan dahil ang tagal na mula noong nag-break kayo ng boyfriend mo. Isa-isa nang nagkaka-boyfriend ang mga kaibigan mo at nakini-kinita mo na ang magiging scenario sa Christmas party ng barkada niyo. Ikaw lang ang walang partner!..."
oh well, hindi naman ako sawa maging single, life is just starting for me... again.
---
sa bawat araw na dumadaan, mas lalo kitang naiintidihan, alam ko na kung bakit ayaw mo sa akin. naiintindihan ko kung bakit nasabihan mo ako na... pasensiya na sa akin ka pa nagkagusto. siguro nga na wag na kitang kausapin pa tungkol dun. tama na rin siguro na itigil ko na ang mag hintay.