Jan 04, 2007 04:13
Nabitin ako kanina dahil tapos na ang time ko. Nakakatuwa kasi nandito pa rina ko sa humanities sa parehong computer unit.
Ang dami kong gustong sabihin. Pero bago ang lahat, ito ang hindi ko dapat palampasin. First time this year, (first na naman...), palabas na kami ni quennie ng lib nakita namin si "dragon slayer" nakapila para manghiram or magsoli ng book. (hindi ko natanong kung anong pakay niya. Naunahan ako ng kilig...) Tinatawag ko siya, ('di ba lakas ng loob) he was looking pero lumapas yata yung tingin niya, e di kinawayan ko. Siguro mga three times kong tinawag pangalan niya bago niya na- realize na may tumatawag sa kanya. (Jengots...) Pasigaw na nga yung huli e. As in "Hoy ****!" Adik... Lalabas na sana kami ni Quennie ng mapagtanto ko na kailangan kong mag- cr. Balik kami tapos napansin niya, tapos nagtanong siya, e di sinagot namin, nakalimutan ko naiihi nga pala ako. Hindi ako gumagawa ng paraan para makita uli siya, talagang naiihi lang ako. Thank God wala na siya after namin mag- cr. Hahaha...
Change topic...
2007 na. Hindi ako gumawa ng resolution dahil hindi ko trip. Tsaka ayokong mapilitang gawin ang isang bagay dahil "New year's resolution" yun. gusto ko kapag trip ko na talagang magbago yun na yun. Hindi ko na kailangan ng ganun dahil nakakafrustrate lang kapag hindi ko nagagawa.
Siguro ang dapat kong gawin, pagbutihan kung ano man ang mabuting ginagawa ko. Magsaya, matutong tumawa, at maging adik sa musika. (Yun new year's resolution ba yun?) Hindi ko siguro kailangang i- prioritize na magbago ako. Gagawin ko kung anong feel ko at siguro, sana, susunod na ang pinakahihintay kong pagbabago. Parang isang surprise, malalaman ko na lang, magugulat na lang ako bigla, pagkatapos ng mga ginawa ko. Hindi ko kailangan planuhin ang pagbabago, ang kailangan kong planuhin ay ang mga aatupagin ko, susunod na dun ang pagbabago. Tama ba? Ewan ko... Basta para sa 'kin ganun yun. Ayokong magbanggit ng mga bagay na, "magpapakabait na ko this year," (imposible yun). Ayokong munang mangakong gagawin ko ang isang bagay. Basta kapag feel ko na gagawin ko din yun.
Vampire Hunter D 1 (may 2 na daw kasi eh...)
Hindi naman nakakatakot. Pero ewan ko ba kung bakit ako natatakot. Siguro dahil nanuod ako ng 12am tapos patay ang ilaw at ako na lang ang taong gising sa bahay. Alam ko hindi pa rin nakakatakot yun, sadyang matatakutin lang ako. Binuksan ko na yung ilaw bago matapos. Nung natapos na, binilisan ko talagang mag- toothbrush tapos mega takbo ako pabalik ng higaan ko. Nung napatay ko na yung tv at ilaw sa kusina pati sa cr, nahiga na ko. Pagkatapos ko mag- pray may narinig akong ubo ng bata sa labas. Waaah kinilabutan talaga ako, kasi wala namang ubo yung mga kapatid ko tsaka sa labas talaga nanggaling yung sound. Tapos shit talaga, parang nakikita ko si Dunbir sa bintana. (Parang bata, kung anu- ano nai- imagine...) E di todo kwento ako sa pinsan ko nung umaga. Kala ko dadamayan niya 'ko. 'Gaga si Shingha lang yun...' Anak ng patatas yung pusa namin, feeling tao paubo- ubo pa. Yun lang. Napagtanto ko hindi ako dapat nanunuod ng mag- isa at madilim pa at madaling araw pa. Duwag talaga ako.
Maganda naman yung story. (Mahilig ako sa Vampire stories eh) Ang cool kasi si D 'damphire' (di ako sure sa spelling nakalimutan ko. Sa Jap yata Dunbire yun eh, yung name mismo ng character) siya. Ibig sabihin half- human half vampire. Mas malakas siya sa karaniwang vampire kasi nakakatagal siya sa araw. Immortal siya kaya ang sad yung namatay na yung companion niyang girl dahil sa katandaan yata tapos nasa funeral siya tinupad niya yung promise niya sa girl na kapag namatay yung girl dadalan niya ng flower sa puntod. Madrama talaga. Napaka mysterious niya. Tapos bihira siya magsalita. (siyempre misteryoso nga) Ayun...
Ay nako makauwi na nga...