Jan 04, 2007 10:52
Bakit laging significant ang first?
Wala tayong magagawa, ganun talaga. Siguro dahil ineexpect natin na ang 1st time ay laging maganda. "good start" sabi nga nila. Pero as of now parang gusto kong burahin sa vocabulary ko ang "good start". Pero hindi nagbago ang isip ko.
Umagang- umaga, (patatas talaga...) nadukutan ako ng purse. Hindi naman kalakihan ang Php50 pero nakakahinayang pa rin. At eto pa, nakakaasar kasi alam kong dinudukutan ako (or at least "meyo" alam ko) pero hindi ako nakapalag. Patatas yung mama e, ang laki- laking tao nandudukot. Siguro pahiya siya sa nadukot niya sa kin. Haha.. Hindi naman ako nag- hysteria tulad dati nung nawala ang wallet ko sa ipea. (Nag- hysteria ako kasi may picture ni Hisashi Mitsui yung wallet ko, yung pinakauna sa collection ko, tapos bagong pic ni Yoh Asakura at Genjo Sanzo, sino ba naman ang di iiyak dun?! Tapos mga iba pang mahahalagang bagay...) Nakakainis lang yung feeling ng nawawalan. Patatas, hindi ako maka- get over.
Sa positive naman... (Kung positive nga...)
Bakit napapangiti ako kapag nagbabasa ako. (Wag mo na tanungin kung ano binabasa ko, hindi poldy readings at art app at mas lalong hindi porn) Basta kung ano man yun napangiti ako. Mukha ak0ng gago dito sa lib ngumingiti mag- isa. Hahaha...
Sabi ko naka- get over na ko sa taong yun eh. Totoo naman. Actually matagal na, ewan ko ba. Alam ko may feelings ako sa kanya (umamin din...) pero hindi ko ikamamatay kung mawala siya. Hindi ganun kasakit kasi una pa lang tinanggap ko nang malabo na talaga sitwasyon. (Sigurista!) Ewan ko, palagay ako sa ganito. Basta masaya ako kapag nandiyan siya. Hindi ko na siya iniisip lagi, peste siya mas madmi pang dapat isipin kesa sa kanya. Hahaha... Ang saya, ewan ko kung bakit pero masaya.
Changes...
Bukod sa umaamin na ko sa feeligs ko, (wag mo lang ako paaminin dun sa taong yun...), naramdaman ko na ang saya at lungkot ng pasko. Pwede pa lang maging masaya kahit may kulang. Basta, thankful ako kung anong meron ako ngayon.
Natuto rin akong maging positie. At natutunan ko rin ngumiti (thanks to him, napapangiti ako ng walang rason. Corny... Ganyan talaga dahil corny ang pag- ibig. -Kim Sam Soon. Hindi corny talaga...)
At salamat dahil pamababae na ang boses ko sa choir... Salamat sa O Holy Night...
Masarap kumanta kapag masaya ang musikang tinutugtog mo... (Sobrang saya bumigay si Eugene, please sana may mag- donate ng string #2)