Jul 14, 2006 14:52
alam mo yung pakiramdam ng:
muntik ng manalo ang tatay mo ng 55million sa lotto?
palaging nasa tabi ang malupet mong pusa?
mawala ang spongebob mong brief?
iwanan ka ng bago mong girlfried?
sumemplang sa skateboard?
ayaw patugtugin ng raidio station ang mga kanta nyo?(LS fm)
wala ka nang gas?
madami kang tagihawat sa likod?
miss mo na ang beach?
parang may insomya ka na?
ang dami mong gustong isulat ngunit....
walang gig dahil umuulan?
matigas na espanish bread?
huni ng ibon sa madaling araw?
patak ng ulan sa gintna ng masabaw na lungkot?
ballpen na walang tinta?
punit na pahina ng libro?
nagdurugong manhid na sugat?
flat na gulong ng biskleta?
alam mo yung pakiramdam ng lumilipad sa kalawakan habang tinatangay ng hanging amihan ang iyong puso patungo sa alangaang ng walang patid, litid, gilid, batid na pinaghalong lungkot at saya, hapdi at ngiti, asim at tamis, yakap at sampal, luha at halakhak, panibugho at pag-ibig, galit at pag-papatawad, sarap at sarap, shawarma at yoghurt shake, alaala at panaginip, kape at sigarilyo, muni at kabilang-buhay, Diyos at musika.