(no subject)

Jul 13, 2006 17:22


dami kong nakita nung sabado. mga kaibigan nung kolehiyo pa na ilang taon ko na ring hindi nakita. sina kadong ng bernardo carpio. si jeptah ng agaw agimat. si mike sinco ng SON. si francis ng xaymaca. si dye-dye ng giniling festival (di ko sya kaklase nung kolehiyo).

nakita ko din nung tuesday yung mga dati kong katrabahao na gma sina oliv, paolo, ryan, pekto. john. lahat sila nagtatanong kung bakit mo tinanggihan yung offer sakin sa bagong soap. sabi ko desisyones ng manager ko yun. pati si direk uro kejo naiintriga, haha. pagkatapos ay tumambay pa kami sa xaymaca. lumalabas ang mga kakaibang ugali ng mga kabanda ko kapag lasing sila. syempre di naman ako makasabaw sa nom-i dahil magddrive pako pagkatapos.

kagabi ay nagpunta kami sa bday party ni k8 sa manila hotel. gulat kami dahil kami lang ang pankrak sa party. tas tito pa ni k8 si congresman.raffy nantez? tama ba yun? hehe.

astig...binigyan ako ng ninang ko from tate ng psp. eto ngayon adik na kay tony hawk at most wanted. haha

mamya manunuod kami ni ermats ng POTC. hehe
Previous post Next post
Up