Jul 27, 2008 00:14
minsan kailangan lang talaga ng isang tao ng pahinga, ng panandaliang pagtakas sa kanyang mga pinagkakaabalahan na tungkulin. hindi naman talaga na iiwan ang mga ito o 'di kaya'y babali walain. kung minsan lang kasi'y lalo lamang tayong nanghihina o nababawasan ang ating kakayahan sa pagtupad sa ating mga tungkulin kung masyado at sobra-sobra natin itong tinututukan. kumbaga sa pagsusunog ng kilay, kung magsusunog ka ng kilay buong gabi, mauubos ang kilay mo at wala ka ng masusunog sa susunod na pagkakataong kakailanganin mo. dapat ay magpahinga-pahinga ka rin para mabigyan mo ng pagkakataong tumubo muli ang iyong kilay. gayon din sa pagtatabas ng damo, kung magtatabas ka, hindi puwedeng magtabas ka lang ng magtabas. dapat ay hasain mo rin ang pantabas mo paminsan-minsan para tumalas ito at mas mapadali ang pagtatabas mo.
nitong nakaraang Biyernes (sa katunayan noong nakalipas na Biyernes rin) hanggang kanina lamang, tumakas muna ako sandali.
masaya naman ang aking naging pagtakas, at kahit na sandali lang, wala akong masasabi.
siguro at sana, sa aking pagbabalik, mas maging produktibo na ako at maayos ko nang magawa ang mga tungkulin ko; maayos ko na ang buhay ko.
buhay,
senti