schizo moment

Dec 13, 2007 11:46

Hello.

Kamusta ka na? Matagal na rin tayong hindi nag-uusap ah. Lagi ka kasing may kasama, di na tuloy tayo nakakapag-heart to heart talk.

Ano na bang nangyayari sayo? Puro org na lang ba? Gagraduate ka na ah. Tatlong buwan na lang. So anong balak mong gawin? Iniisip mo ba? Mukhang hindi yata ah. Dahil ba wala kang oras mag-isip, o dahil ayaw mo talagang isipin?

Sa bagay, hindi kita masisisi. Mukhang nakakatakot nga talaga yung thought na mawawala na sayo yung mga bagay na minahal mo ng apat na taon. Ang emo isipin, kaya nga, naiintindihan kong hindi mo siya iniisip. Pero alam mo namang dapat mo na siyang isipin, diba? Tatlong buwan na lang, Leigh. Tatlong buwan na lang.

---------

Sa totoo lang, ilang beses ko nang inisip kung ano ba talaga ang gusto kong gawin. Sinusubukan ko talaga, maniwala ka man o hindi. Kaya lang, hindi ko talaga alam kung anong gusto kong gawin. Ang hirap na mag-isip. Nakaka-iyak na.

Napepressure na rin ako. Parang lahat ng tao, handa nang sumabak sa mundo sa labas ng kolehiyo, samantalang ako, hindi pa talaga. Ang dami na ring nagtatanong kung anong gusto kong gawin sa buhay ko. Ang masakit lang talaga dun, hindi ko na talaga alam kung anong isasagot ko.

Mukhang hindi ko talaga kayang umalis sa comfort zone ko, nakakalungkot mang isipin. Kaya nga ayan, talagang nilulubos-lubos ko na ang panahon kong kasama ang mga kaibigan ko. Malapit na kasi matapos yung panahon na madali lang kaming makakapagkita eh.

------

Okay. Enough of my schizo moment. I just realized that lately, I've been surrounding myself with lots of people and lots of things, that I don't even have time to think of what I will do after college. Actually, I don't have time to think, period.

My priorities have been skewed lately. Less emphasis on school (even more than usual), and more on my friends. It's like I'm spending each moment with them as if it were our last together. I mean, we have to admit, after school, it's gonna be hard to see each other na, diba?

Grabe. If only my life is so clean-cut, then I wouldn't have this dilemma.

Previous post Next post
Up