Sto male

Feb 16, 2008 10:17


Ciao, come sta? Io mi chiamo Daryl. Io sono filippina. Io abito a Las Pinas, in Manuyo numero 11. Ho 22 anni. Perchè lavoro per Accenture a Makati.

Va bene?

Sa ngayon, 'yan pa lang ang mga nacocompose kong italian sentences. Bakit ko nga ba naisipang mag-aral ng italiano? Dahil mahilig ako sa pasta? Hindi ko rin alam eh. Nihonggo kasi ang talagang gusto ko. Pero masaya rin mag-Italian.

Buon Apettito!

Naiinis ako tuwing aattend ako ng italian class. May isa kasing mayabang dun eh. Kala mo kung sinong magaling. Ang ingay-ingay nya. Kala mo siya lang ang tao sa loob ng room. Know-it-all. Gusto siya lagi ang bida.

l'uomo è brutto!

May activity kami kanina. By pair daw. May mga italian questions na kailangan naming maintindihan, tapos sasagutan namin yun. Wala kasi akong katabi, at nasa likod ko siya, kaya no choice, siya na lang ang ka-pair ko (may italian dictionary kasi siya..haha!). So pag sinasabihan ko sya na tignan nya ung meaning ng certain italian word sa dictionary nya, sasabihin nya "ibig sabihin nyan blah blah blah..." which is alam kong mali ung translation nya. Pag ako ung nagbibigay ng inputs, sasabihin nya "wag kang mag-assume! tignan natin yan sa dictionary". Pag merong sentence na naintindihan ko by context, at pag sinabi ko sa kanya kung ano ung pagkakaintindi ko, sasabihin nya "wag ka ngang mag-assume!". Pag naman siya nakakita ng italian word, nag-aassume sya ng meaning ng word na un, tapos pag tiningnan nya sa dictionary mali naman siya. Hay nako! Basta naiirita ako sa kanya! Bida-bidahan. Gusto laging napapansin. Ubod ng yabang! Nangingibabaw ung boses nya lagi. Hmp!!!

Ui ung marunong mag-Italian dyan, correct me if I'm wrong ha. Nagppractice lang ako. Hihihi.. Gratzie!

Previous post Next post
Up