Feb 13, 2008 07:41
Kanina galing ako sa UBP, may training kasi ako. Eh 3:30 to 5:30 pm un. So nung morning nasa office ako sa Makati, then punta sa Ortigas sa afternoon. Natakot ako mag-MRT kc, you know, valentines..bombing.. wala lang. Haha. Eh di nag-try ako ng ibang "adventure". Nag-bus ako. Ayun nakarating naman ng safe. Tapos eh di training na. Nung uwian na, ndi ko alam kung pano umuwi. :D Naglakad-lakad ako.. hinahanap ko ung pinanggalingan ko. Hanggang sa napansin kong naliligaw na pala ako. Mali pala ako ng tinahak na daan (ang lalim). Dahil sa ayaw kong mapahiya, naglakas-loob na lang ako na ituloy ang aking paglalakad (kahit na hindi ko alam kung saan ako papunta). Naisip kong sumakay ng taxi, pero takot ako mag-taxi dahil baka kung saan ako dalhin at hindi ko na maabutan ang sikat ng araw. :D After 10-mins. nang paglalakad, nakakita ako ng jeep. Hay buti na lang tama ung nasakyan ko. Kundi.. HEEEEELLP!!! Hehehe. Ang sakit ng paa ko dun ah. Kaya ayoko magsuot ng pang-office na shoes eh.
Ang natutunan ko sa training:
"Be a risk-taker." Yebah!