Pangalan ng Linggo: Ang Pag-usbong ng mga Pagsubok
Ganapan: Sa dagat, sa isla ng Aguere at sa palasyo ng Aguere.
Mga tauhang may kinalaman sa pangyayaring ito: Sang'gre Chimera, Sang'gre Habagat, Sang'gre Alon, Sang'gre Dagohoy, Diwata Himeia, Haring Bughaw, Pinunong Berde at mga lagalag na tauhan ni Haring Bughaw.
Mga tauhang kinakailangang sumali:(
(
Read more... )
Comments 7
"Ha? ILAG!!!"
Napalingon si sang'gre Chimera sa kanyang likuran.
"May problema po ba, mahal na reyna?" tanong ng dama sa sang'gre ng apoy.
"Ah, wala..."
Kanina pa sinusuklay ng mga dama ang kanyang buhok habang inaayos nila ang kanyang tinutuluyang kuwarto. "Kailangang ang kanyang unan ay gawa sa pinakamalambot na bulak at ang drapery gawa sa pinakamainam na tela." iyon ang dinig niya mula sa mga dama kanina ( ... )
Reply
Malapit na sila sa isla ng Aguere. Mahahanap na nila si Chimera, ngunit hindi parin tumigil ang mga bolang apoy.
((OOC: I'm sooo bored....sorry kung maikli. Himeia, i-reply mo nalang ung comment mo dito. And, Ha!!! Tao nga si Azulan! I knew it!!!))
Reply
Reply
Patuloy pa rin sa pag-usad ang malaking bulang pumapaloob kila Dagohoy at Alon sa ilalim ng dagat.
Reply
"Malaking pasasalamat kay Bathala at narito tayo sa ilalim ng dagat! Hindi tayo maabot ng mga nagbabagang bolang apoy.", kanyang wika sa Sang'gre ng Tubig.
"Halina't umahon na tayo sa tubig. Gusto ko na makita ang isla. Gusto ko na rin simulan ang paghahanap natin kay Chimera. Hanapin na rin natin sila Habagat!" mabilis niyang sinabi at minadali si Alon.
Paulit-ulit na kinulit ni Dagohoy si Alon dahil sa pananabik na makatungtong sa lupa. Nagsasawa at nababagot na si Dagohoy sa kanilang paglalakbay na puro tubig at karagatn lang ang kanyang nakikita.
Reply
Palahaw na tumawa si Alon.
Umusad pa ang bula at biglang may malakas na pagsabog sa dagat. Napausad nang mabilis ang bula at nabigla ang dalawang sang'gre. Ang mga bolang apoy ngayon ay tumatama sa tubig at naglilikha ng malakas na pagsabog.
"Kailangan na nating umalis dito! Sa sandaling tumama ang mga bolang batong iyan sa bula ay puputok ito." Nag-aaalalang wika ni Alon.
Inilabas niya ang Brilyante ng Tubig at umusad nang mabilis ang bula. Habang kumakaripas ito sa ilalim ng dagat ay may nakita ang sang'gre ng tubig.
"May malaking bibig sa dadaanan ng bula!"
Reply
"Kailangan ko nang lumuwas dito," winika ni Chimera sa kanyang sarili. Tumayo ang sang'gre mula sa kanyang kama at pumaroon sa pintuan nang may narinig siyang pag-uusap sa labas ng kanyang kuwarto.
Ano? Nakaligtas sila sa unang atake?!
Patawad po, mahal na Hari. Sadya pong malakas sila.
"Nakaligtas? Sining nakaligtas?!" tanong ng sang'gre sa kanyang sarili.
Pula, sabihan mo si Berde na kapag nabigo pa siya ng isa pang beses, ako mismo ang papaslang sa kanya.
Opo, Kamahalan.
Pagkatapos noon, bantayan mo nang mabuti ang diwatang ito. Hindi natin hahayaang makahalata siya at maligtas siya ng kanyang mga kapwa TAMPALASANG sang'gre. Hindi ko hahayaang maagaw nila sa akin ang aking reyna!
M-masusunod po, Kamahalan.Natahimik matapos marinig ang usapan. Hindi niya akalaing ang may " ( ... )
Reply
Leave a comment